Despite the ban on tinola, aling Antonia can’t seem to live without it.
Day 1—-
OMB—–“Antonia, maghain ka na gutom na ako. Ano’ng niluto mo?”
Antonia— “Tinula”
Day 2—
OMB—-“Antonia kakain na kami. nagluto ka ba ng soup”.
Antonia—“Oo mam”.
OMB—-“Ano’ng soup?”
Antonia—–‘Tinola”
Day 3—
Oyen—-‘Hello Antonia, pauwi na ako, dyan kami kakain, may pagkain ba tayo?”
Antonia—-“oo mam, nagluto ako ng tinula”.
Day 4—
Umaga
OMB—-“Mamayang gabi maggawa ka ng soup”.
Gabi:
OMB—-“Antonia, maghain ka na. May soup ba tayo?”
Antonia—-“Ay oo mam, nagluto ako ng tinola”.
Day 5—
Morning
OMB—-“Antonia pumunta ka sa grocery mamaya. Marunong ka bang magluto ng pansit palabok, parang gusto ko ng pansit palabok”.
Antonia—“Oo mam”.
OMB—-“Etong pera, bumili ka ng ingredients, yan na lang ang dinner ko”.
Evening—
Antonia—“Good evening mam”.
OMB—-“Good evening, hindi pa ako nag lunch, kakain na ako”.
OMB—-“Bakit may kanin sa mesa? Gusto ko pansit palabok”.
Antonia—-“Ay mam hindi ako nagluto ng palabok. Bukas ako maggawa sa breakfast”.
OMB—-“Kaya kita pinapunta sa grocery kasi gusto kong kumain ng pansit palabok ngayong dinner. Sige, kakain na ako, ano ang niluto mo?”
Antonia—-“Tinola”.
OMB—-“Sawang-sawa na ako sa tinola mo, ayoko ng kumain nyan, tinapa na lang uulamin ko”.
Day 6—
OMB—-“Antonia bigyan mo ng pagkain yung dalawang driver bago umuwi. Baka ma-traffic sila eh magutom”.
Antonia—“Mam, hindi ako nagluto para sa kanila. Ang niluto ko para sa amin lang”.
OMB—-“Ibigay mo muna sa kanila tapos magluto ka na lang uli ng ulam nyo”.
Antonia—“Ay mam, na portion ko na yung tinula para sa amin”.
OMB—-“Magluto ka nga ng iba”.
Day 7—-
Antonia—-“Good afternoon mam”.
OMB—-“Meron ka bang pagkain dyan? Hindi pa ako naglunch”.
Antonia—-“Nakaluto na ako mam. Iinit ko lang”.
OMB—-“Sige, gutom na ako. Ano’ng niluto mo?”
Antonia—-“Tinula”.
Why did I have to ask!
Oyen suggested that from now we will call her Antinula.