Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Wag magtapon ng basura - Oh My Buhay

The tricycle driver pala works at the munisipyo. He drives the tricycle on weekends, sideline daw. Standard pamasahe is P10 per person per trip. I gave him P150 kaya super happy sya.
Nasalubong namin yung bagong halal daw na konsehal o kapitan yata. We stopped the tricycle. I congratulated him, and I said “ang dumi naman ng ilog, sana linisin at paki sabihan bawat bahay na huwag magtapon ng basura dyan”. Nasermonan ko pa.

066

Merong parte ma malinis naman
070

Pero ito, hay naku, bakit naging ganito? Nung araw ang linis nito, dito umiinom yung mga alagang bibe at itik ng papa ko. Dito rin naglalaba yung mga babae at naliligo.

Siguro pwedeng mag tulung-tulong, umupa ng ilang banka, unti-untiing hakutin ang mga nakalutang na basura.  Eh pano kaya yung mga nakalubog na?

067

Mga basura sa aplaya.  Ang sabi ni Mayor,  marami daw pasaway, ayaw mga sumunod.    Sana sumunod naman tayo.  At yung bagong Kapitan, kailangan isa-isahin yang mga bahay na nakatayo sa gilid ng ilog.   Paliguan sa ilog ang mahuling magtatapon ng basura.
075

Pupunta yang dumi sa lake.
076
077

080

Pakiusap po mga kababayan, yung mga tiga-Layunan, Libis, Wawa, Poblacion at Libid, pati yung mga tiga Lunsad at Pila-pila at Ithan.

Huwag magtapon ng basura sa ilog o sa baybaying dagat. Yung mga dumi nyan pumupunta sa mga tilapia, ayungin, hipon, kanduli, at dalag. Paborito pa naman nating lahat yan at yan ang ikinabubuhay ng marami. Puro lason ang mapupunta sa katawan nating lahat sa pagkain ng isda galing sa lake.  Salamat po.

082

081

Share

Related Posts