Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Pakimkim - Oh My Buhay

Valentines na Valentines Day iinisin naman ako nito.
I got a call from a kababayan
K———— “Hello, Annie, kumusta? Happy Valentines”.

(Bad kutob).
A———— “Okay naman, o bakit?”
K———— “Ninang ako sa linggo, padalhan mo naman ako ng pakimkim”.

(Wait, let me clarify this. Siya ninang? Why would I send her pakimkim? Ako ba ang ninang?)

A———— “Ha? Ako ba ninang?”

(She laughed, I did not).

K———— “Mag-aanak ako sa binyag sa linggo, anak nila_________at __________. Gusto ko sanang bumili ng isusuot at regalo, pakimkim, hindi pwedeng walang pakimkim”.

(Anak nila________ at ________, eh hindi ko naman pala anak.

Wait again. Gipit sya, and why would she want to buy a new dress?

Hay naku talaga.

Rule number one—- Kung gipit, huwag bumili ng bagong damit.
Rule number two—- Bago sumagot ng oo para maging ninang, kapain ang bulsa kung merong pera.
Rule number three– Kung butas ang bulsa, umatras ka.

Bawal tumanggi? Bakit bawal? Ano yan martial law? Pride?
Lunukin ang pride. Mas nakaka hiya mangungutang para ipakimkim.
At nakaka-inis, lalo na kung ako ang maiinis.

Rule number four—- Kalimutan ang image. Kung wala tayong pera, wag na tayong mag pa-image-image na merong pera. kasi stressful yan. Tapos ako ang ma-i-stress dahil madadawit pa ako sa stress mo!

Rule number five—- If someone asks you to be the ninang and you are experiencing some financial difficulties, say NO. sAY SORRY, you can’t be ninang. Tell them next time na lang, when you are in a better situation, maybe the baptismal of the baby of their baby, so you have enough time to accumulate funds.

Kayo namang mga parents. Maghunus dili nga kayo pagpili kung sino ang mga ninong at ninang. At bakit ang dami?

Share

Related Posts

2 thoughts on “Pakimkim

Comments are closed.