Road Rage
Kawawa naman yung binaril na naka-motorsiklo. Salbahe naman yung naka Toyota Land Cruiser.
Even if he’s caught, wala na, he killed the guy already.
My God, why did he shoot the fellow? Only because the road was too narrow for the two of them?
Pwede ba magbigayan at magpasensyahan na lang. Para yun lang eh, papatay ka ng tao. Sa dami ng sasakyan, masikip ang daan, talagang hindi maiwasan na hindi magka-gitgitan. Kung magasgas ng motor ang sasakyan mo, maiinis ka, pero pasensya na lang. Gasgas lang. Madali yung pinturahan. Ang mahirap ay kung merong masasaktan. Eto pa nga, binaril pa.
Maraming drivers na takbo lang ng takbo. Kulang ang kanilang kaalaman sa tamang pagmamaneho. Hindi naman nila napapansin kung nadikitan ka nila o na-cut ka. Wag mo ng habulin at duruin pa yung driver. Hindi na kailangan na awayin mo pa. Kung galit ka sa mundo, wag mong ibunton dun sa driver na yun na wala namang intensyon na makipag-away sa’yo. Pare-pareho lang kayong gustong makarating sa pupuntahan. Huwag mayabang dahil meron kang baril. Wala kang mapapala kung babarilin mo sya. Eh kung may baril din, Pareho kayong tigok. Kawawa naman ang pamilya nyo. Kawawa naman ang magulang mo kung mamatay ka.
Magpasensyahan pag nasa kalye. Masikip talaga and daan at dikit-dikit ang sasakyan. Kung tamaan ang side mirror mo, buntunghininga na lang. Kung magkagitgitan at may gasgas, hayaan mo na. Kesa mag-away pa kayo. Mapatay mo o mapatay ka.
Choose to be good.