A—–Hello
N—–hello, mam, kailangan nyo ba ng driver?
A—–Oo, Executive Driver.
N—–Executive… ahh. Sino mam?
A—–Executive driver ba sya? Sino ang boss nya dati?
N—–Hindi mam, galing sya sa airport.
A—–Sino ang ipinag-drive nya sa airport?
N—–Wala mam, retired na sya dun.

A—- Kailangan ko yung marunong na. Yung magaling magmaneho at kabisado ang mga kalye. Saan sya dating nag da -drive?
N—- Marunong sya mam, matagal na syang driver.
A—- Gaano na sya katagal nagmamaneho? Ilang taon na? Sino ang dati nyang amo?
N—- Marunong syang magdrive mam.
A—–Dapat lang marunong syang mag-drive ano kung driver sya.
A—–Ilang taon na sya?
N—- Bata pa mam.
A—–Ano ang edad?
N—–Tama lang mam.
A—–ILANG TAON NA SYA? yung eksaktong edad nya, singkwenta ba, sitenta?
N—–Hindi naman mam, medyo bata pa sya.
A—–Ano nga ang edad????
N—–Parang magka-edad lang siguro kami mam.

A—–Ano yan stay-in or stay-out?
N—- Kayo mam.
A—–Saan ba sya umuuwi?
N—–Yun nga ang sabi ko sa kanya, malapit lang sya sa inyo.
A—–Saan ang bahay nya.
N—–Isang sakay lang mam.
(Ang labong kausap nito, ang tyaga ko.)

A—–College graduate ba? Gusto ko college graduate ang hirap mag-utos pag mahina ang ulo.
N—- College graduate? Sino mam, ikaw?
(Grabe, ang labo, naka shabu yata ito.)

A—–Anong height nya? Malalaki ang mga sasakyan namin dito, hindi pwede ang pandak. Mahirap maikli ang binti.
N—–Katamtaman lang mam.
A—–Anong height?
N—–Tama lang mam, hindi naman sya gaanong mataas.
A—–Ano nga ang height? Six footer ba? 5’2? Gaano sya kataas?
N—- Mga kasing taas ko lang mam, tama lang.
A—- Ano bang taas mo?
N—- Mga ano mam, magkasing taas tayo.
(Oh God, patience my dear).

A—–Anong weight nya? Ayoko ng sobrang taba.
N—- Hindi mam sya mataba.
A—–Ano’ng weight nya, tingnan mo yung bio data. Ano ang nakalagay?
N—–Magsasabi ako ng totoo mam, pinsan ko sya, ipinapasok ko.
A—- Pinsan mo nga, pero ano ang weight nya.
N—–Katamtaman lang mam, parang kasing katawan ng mister mo. Hindi ma-muscle.

(At paano naman nya nakita ang katawan ng asawa ko????)

Share

Related Posts

7 thoughts on “Executive Driver

  1. Hi Anne, I m so impressed with your patience to talk with these kind of people. And of course, your sharp memory to remember the conversation. Thank u for posting afterall, laughter is the best medicine. Cheers, Rissa

  2. Hi Kim and Rissa,
    I am a very impatient person. Siguro naka valium ako nung kausap ko sya.

  3. Hahaha! Nice one Ms Annie. Madaming ganyan kausap. Kamag-anak nya ata yung kasama namin sa bahay. Have a happy and great weekend!

Comments are closed.