Sir/mam…my name is jenny! Currently nandito po ako ngayon sa bansang cyprus! May nais lang po akong itanong kung nangkukulam din po kayo! Sobra na po kc ang pananakit saken ng livein partner ko, sobrang takaw nya sa babae! May dalawa po kaming anak halos ako lang din po ang bumubuhay! Nandito rin xa sa cyprus parehas kaming caregiver kumikita sya pero puro sa sarili lang nya! Madalas lang nya akong paasahin sa wala bagkus hinuthutan nya ako …nagkakakilala kami sa israel at don nagkaron kami ng dalawang anak! Inanakan lang nya ako at inubos lahat ng naipundar namin..pero sa kabila non pinakisamahan ko xa at ako ang nagtrabaho ng nagtrabaho ..umuwi kami ng pilipinas pero wala xang ginawa kundi saktan ako emotionally…paulit ulit! Paulit ulit din nman akong nagpkatanga ngayong wala na xang mahuthot saken..wala na xang pakialam kung makita ko o malaman ko na may iba n nmn xang kinakasama! Hindi ko matulungan ang sarili ko dahil punong puno ng galit ang puso ko ayaw kong makita xang masaya at ako miserable! Gusto ko lang naman na matikman naman nya ang masaktan at maturuan ng leksyon sa nga ginagawa nya! Sana matulungan nyo po ako! I will be happy if u answer me back…salamat po
—————————————————————————–
Dear Jenny,
Kalimutan mo na ang kulam. Just try to move on with your life. Do good things and good things will happen. God bless.
Jenny hope na maayos ka diyan sa Cyprus. Pasensya ka na kung ako ay makikisingit din na magbigay ng kaisipan tungkol sa situation mo.
Normal sa atin ang magalit, ang sumama ang loob. Pero base sa experience ko nong matutunan ko ang ipasa sa Diyos ang mga isipin ko tungkol sa relationship and anything related sa family ay gumaan ang aking isipan at naging mas maluwag sa akin ang mga bagay bagay. Base sa sulat mo ikaw ay masipag at mapagmahal na nanay. Ituon mo na lang ang attention mo sa mga anak mo at sa iyong trabaho. Magiging mas masaya ka kung aalisin mo na ang galit o hinanakit sa iyong isipan o damdamin. Sa una mahirap kasi iniisip mo na ginawa at ginagawa mo naman ang kaya mong gawin to make things right pero nangyari pa rin ang mga yan sa yo. Mahirap alisin ang sama ng loob kasi andon pa rin sa isip mo, nasaktan nila ang damdamin mo. Pero kung kay God mo ibubulong lagi ang mga isipin mo ay unti unti tutulungan ka Niya. Tama ang ginagawa mo na naka-focus sa iyong trabaho at pamilya. Kasi kailangan nating mag-isip at kumilos ng maayos para tulungan ang sarili natin na mapunan ang ibang bagay na ating kailangan. Marerealize mo na lang later na magaan na ang iyong kalooban hanggang tuluyan nang maging bahagi na lang ng nagdaan lahat ng ikinasasama ng loob mo.
Noong una nagtataka ako kung bakit bakit ang tagal naman ng pagdating ng ipinagdarasal ko para sa family. And then later on na-realize ko na unti-unti yong mga ipinagdasal ko kay God ay nangyari o nangyayari na. Huwag kang mainip darating din ang payapa sa buhay pamilya mo. Naka-focus ka na sa work at family mo e at alam ko malakas ang paniniwala mo kay God kaya aayos din lahat huwag ka lang tumigil sa pagiging mabuti sa kahit sino.
Isasama kita sa panalangin ko Jenny.