What’s going on in our country is worrisome. There’s always someone accusing someone of something. Those who are accusing someone of irregularities become the accused. The accuser becomes the accused. Hindi rin natin alam kung sino ang nagsasabi ng tutoo at sino ang mga sanay na sanay ng magsinungaling at maghabi ng kasinungalingan para manira ng tao.
Watching the manner the senate and congress interrogate the accused and the accusers shows what kind of politicians we have elected to lead our country. Watching how they conduct themselves, makes me worry about the future of my children in my own native land.
Panoorin ninyo sila. Basahin ninyo ang mga mata, galaw, salita at kilos nila. Parang sayang ang mga pinapasweldo natin sa kanila. Nauubos ang oras, araw, buwan, wala naman silang magandang naitutulong para sa ikauunlad ng ating bayan. Sana mali ako pero ang pakiramdam ko, puro pansarili lang nila ang kanilang ginagawa.
Iba na ang panahon ngayon. Kahit sino, pwedeng mapagbintangan ng kahit ano, budburan ka ng corn starch at sabihin meron kang shabu.
Huwag kayong tumanggap ng regalo at iuuwi nyo sa bahay. Buksan nyo agad kung ano ang laman at baka meron dung isang kilong harina (flour) eh ma-set up ka. Sabihin tindero ka ng shabu.
Huwag maki-angkas sa ibang sasakyan o magmagandang loob at magpasakay naman sa iba. Hindi mo alam kung ano ang laman ng bag nila. Baka sabihin kasamahan ka pa. Huwag na ding magselfie kung kani-kanino. Hindi mo alam smuggler pala ng manok eh sabihin ka partner ka sa smuggling dahil magka-selfie kayo.
The police superintendent said they based their intelligence report about Kian on social media? Nay ko po Dyos ko. Kahit sinong masamang tao, inggitero at sinungaling, pwedeng mag-imbento ng kasinungalingan tungkol sa kanyang kapwa. Pwede itong ibandera sa facebook. Tapos kung mabasa sa lagay ng mga police ay ibig sabihin tutoo na ito? Paniniwalaan nila? Mga kababayan, kung ganito ang magiging takbo ng buhay dito sa Pilipinas, naku magbalut-balot na tayo.
What happened? Why have we become like this? Nawala na ang salitang MALASAKIT SA KAPWA.
Puro pansarili lang ang ating ginagawa. Wala na tayong mga hiya, utang na loob at hindi na tayo marunong makipag-kapwa tao. Bakit lagi tayong kailangang bantayan, kung hindi, tayo ay magnanakaw, manlalamang. Gusto laging pakabig.
Sana mali ako, pero pakiramdam ko, mas marami ng salbahe dito sa Pilipinas kesa sa may mabuting damdamin. Ang problema, hindi na alam ng tao kung ano ang ibig sabihin ng tama at mali.
#choosetobegood