Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Ang kulam ay kathang isip - Oh My Buhay

Nung araw halos lahat siguro ng tiga-probinsya ay naniniwala sa mga kulam, balis, orasyon.  Lahat kasi yan nababasa sa komiks (c0mics)  at napapanood sa sinehan.  Mga kathang isip.

Maraming albularyo nuong araw (quack doctors).  Kokonti pa lang kasi ang mga duktor, ospital, pagamutan,  at dahil maraming hindi nakapag-aral,  dahil mahirap ang nakararami,  ang mga ganitong uri ng paniniwala ang bumalot sa kanilang mga pag-iisip.

Pag-merong may sakit sa pamilya,  sa halip na sa duktor or puericulture center pumunta,  sa albularyo dadalhin.  Pagmasakit ang sikmura,  meron daw dumaan na engkantada at ito ay nainis kaya tinapunan sya ng orasyon.  The enchantress wished him/her bad things like a tummy ache or fever.  Here comes the albularyo,  lalawayan nya yung tyan tapos gagaling na.  Actually hinangin lang yung tyan nun, kaya nung hinilot nung albularyo,  lumabas ang hangin,  nung umutot, nawala na ang gas pain.  Gumaling na.

Hanggang ngayon kahit napakarami ng tao na nakarating sa mataas na paaralan,  marami pa rin ang mga hindi nakarating ng kolehiyo.   Milyon pa rin ang mga hindi nakapag-aral.  Libo pa rin ang no-read no write.

Hangga ngayon,  marami pa rin sa atin ang naniniwala sa mga sinaunang istorya tulad ng tikbalang,  tyanak,  manananggal,  kapre,  aswang.  Marami pa rin ang naniniwala sa mangkukulam.   Marami pa rin ang naniniwala na may kakayahan ang isang tao na mangkulam o gumamot ng akala nila ay gawa-gawa ng isang taong marunong mangkulam (witch craft).

For the record—-  wala po akong kilala na mangkukulam.  Wala rin akong alam na tutoong albularyo na talagang nakakagaling.

Maraming humihingi sa akin ng tulong para ipakulam nila yung mga kaaway nila o gumaling sila sa sakit dulot ng akala nila ay mangkukulam.

Hindi ko kayo pwedeng sabihan na huwag maniwala.  Pero huwag magbigay ng pera or malaking bayad.  Baka maloko lang kayo.

—————————————————————————

“My gusto din aq bigyan ng leksyon.pwd m bigay contact number.I badly need help”

need mangkukulam, much better kung mambabarang. can only provide the picture of the victim. will pay 4K. 25% payment before the ritual, will pay the rest lest the results were proven effective (much better kung maging bedridden na mangyayari.

Hello po my gusto sana akong pabigyan ng leksyon sir effective po ba tsaka mgkano po ang bayad kc sobra.ng ginagawa nya sakin na panluluko.

saan po b pde makontak at magkano po nid lng po sana reply po kayo skn kc importante lng pakisend nlng po kontak nyu sa email q eto po

Kailangan q ng mangkukulam badly

Need ko rin po ng marunong mangkulam desperado na tlaga ako wala problema sa bayad basta hndi lalagpas ng 10k . Pero dapat gawin muna bago bayad para walang lokohan txt me

Hi my gusto din sana akong bigyan ng liksyon lng kc niluluko din nya ako

—————————————————————————-

Dear OMB readers,

Ang kulam ay kathang isip lang sa panahong ito. Kung meron kayong kaaway, pumunta sa barangay.
Magdasal na lang kayo para bumuti ang inyong buhay. Huwag nyo ng bigyan pansin yung mga taong bwisit sa buhay nyo. Kung asawa nyo yun, iwan mo na lang o paalisin mo na. Kung kabit ng asawa nyo, huwag nyo ng pagtyagaan. Bakit sya kabit, bakit walang magkamali sa kanya na pumatol na binata at tutoong papakasalan sya? Kung ipagpalit ka ng asawa mo, kahit nakaka-kulo ng dugo at balde-baldeng luha ang mauubos mo, huwag mo ng gustuhin na bumalik sayo ang gago mong asawa. Ipinagpalit ka na pala eh bakit gusto mo pa sya?
Wala akong kilala na magkukulam sa kabit ng asawa mo. Sugurin mo na lang at hampasin mo ng iPad sa mukha. Mga dalawang beses lang tapos umalis ka na. Kalimutan mo na sila. Ayusin mo ang buhay mo, Kaya mo yan kahit wala ang asawa mo.

Share

Related Posts