Time and again, I always say that when you are asked something, answer the question first, then you may add palabok later.
For example,
1. A—–“Mainit, ibaba mo yung blinds”.
Answer—–“Tatawagin ko ho si Mam Edna”.
A—–“Bakit si Edna? Anon’g kinalaman nya, ang utos ko i-roll down mo yung blinds at nasisilaw ang mga customer”.

Apparently, the blind’s mechanism is broken. Edna was the one who contacted the contractor to have it repaired.

Correct answer should have been —-“Mam, sira po yung mechanism kaya hindi maibaba yung blinds. Tumawag na po si Mam Edna ng magre-repair”.

2. A——“Ubos na yung iced tea. Nasan si Arnold?”
Answer–“Marami kasi mam uminom”.

Alam ko maraming uminom kaya nga naubos. Pero ang tanong ko nasan si Arnold.

3. A——Tapos na ba ang financial statement natin ng 2015?
Answer——“Pini-print na lang mam”.

Dapat ang sagot, tapos na mam, piniprint na lang.

4. A——-“Lahat ba ng expenses nakapasok na? Pati yung December lahat na-encode na?
Answer—–“Oho”.

A——-“Tingnan ko nga ulit, O, bakit kulang yung depreciation, bakit 2,400 pesos lang ang Christmas expenses. Yun lang ba ang nagastos natin nung Christmas?
Answer——“Hindi pa mam kasama yung mga binayaran nung Christmas”.

Eh di ibig sabihin hindi pa tapos yung December 2015.

5. A——“Kumpleto na ba yung requirement para sa munisipyo?”
Answer——“Kumpleto na mam”.
A——“Mahaba ang pila, baka hindi tayo umabot”.
Answer——“Kinukuha na mam yung barangay clearance at saka yung…”

Ibig sabihin, hindi pa kumpleto.

6. A——-“Ano’ng sukat nyan?”
Answer–“Nasukat na namin madame”.
A——-“Ilan ang sukat”.
Answer—“Okay na mam, kahapon pa namin tapos”.

7. A——-“What color did he order?”
Answer–“Maganda rin”.

8. A——-“Ilang meters ang frontage”.
Answer–“Malapad mam, kasya ang sasakyan”.
A——-“Yung specific, how many meters wide, 30 meters?”
Answer–“Baka manga ganun, ang tingin ko malapad talaga”.

9. A——–“Ilang meters ang span nung yero?”
Answer—-“10…. mga 100 kilometers”.

Increase your comprehension by listening to the question.
Listen (proprofs.com)

Share

Related Posts

One thought on “Answer the question

  1. I feel you, Ms. Annie…for some reason, the younger generation answer question this way. Feeling the direct answers to questions ended during our generation…

Comments are closed.