Ayokong mamatay sa gutom

President Duterte’s newest and latest tirade against EU and America hit my stomach.
He said kahit daw magutom tayo. Huwag daw tayong mag-alala, ang pangako nya ay sya ang unang mamatay sa gutom.

Naku po mahal na pangulo. That is noble pero mawalang galang na po, pero I do not want to follow in your footsteps. Kahit kayo ang maunang mamatay sa gutom, ayaw ko hong sumunod.

Ayaw kong mamatay sa gutom. Papangit ako. Nakakahiya sa titingin sa kabaong ko. That’s not flattering. Akala ng mga tao eh pretty ako. Pagnamatay ako sa gutom sasabihin nila
“Hindi naman pala sya maganda pag patay na”. Those words would hurt my feelings.

Gusto ko pang kumain ng kare-kare, sinigang, pangat na dalag at sopas. Gusto ko pang mabuhay ng maayos na hindi parang pulubi. Nagsakripisyo ho ang mga magulang ko para mapag-aral ako at mas umangat sa buhay. Babangon ho sila sa hukay pag pinabayaan ko ang sarili ko na magutom.

Ayaw ko ho na masadlak ang Pilipinas sa dusa at maghirap lalo. Hindi ho yan ang pag-asa na ipinangako natin sa bayan. Marami ho kaming empleyado na umaasa sa kaunlaran, may mga anak, apo, kapatid ho sila na pinag-aaral, pinapakain, itinataguyod. Isang daang milyong Pilipino ang nangangarap nang magandang buhay, huwag ho natin silang biguin. Huwag natin silang pagkaitan ng pagkakataon na maging bahagi ng isang bansa na pwedeng umunlad. Gusto ho namin na mag-uwi ng pansit sa pasko para magsalu-salo sa hapag kainan at mag-handa ng hamon sa bagong taon. Tumitingala ho kami sa langit araw-araw para humingi ng grasya at umamot ng tulong para sa kapakanan ng aming mga pami-pamilya.

Akayin ho natin ang pamilyang Pilipino sa tamang daan. Sa daan ng kaunlaran. Bilang magulang, ipapasintabi natin ang ating sariling prinsipyo at paniniwala para sa kapakanan ng nakararami. Ang magulang ay hindi magdadalawang isip na lunukin ang sariling prinsipyo, kakalimutan ang sariling dangal para lang maitaguyod ang mga mahal sa buhay.

Share

Related Posts