Hindi ko maintindihan bakit marami sa ating mga Pilipino ay baluktot ang mga pag-iisip. Mayaman, mahirap, mangmang, edukado, pero wala sa ayos ang mga katuwiran. Opisyal, politiko, negosyante, o pangkaraniwang mamamayan, pare-pareho. Nakakalungkot. Sa ating kilos at pananalita, makikita na agad kung bakit sa isang daang taon na lumipas, ganito pa rin ang buhay natin. Hindi tayo mahirap sa pera, mahirap tayo sa pag-iisip. Saan ba tayo galing? Kanino ba tayo mana? Sa Espanyol ba, sa Americano ba? sa mga unggoy ba? Bakit ba ganito ang ating mga pag-uugali? Bakit ba tayo puro maka-sarili lang? Bakit ba tayo puro sakim? Bakit ba tayo puro mayayabang at manggagantso? Bakit ba tayo puro tamad at gusto aasa lang sa ibang tao? Bakit ba tayo mga inggitero, pintasero, mareklamo at bastos? Hindi rin tayo marunong tumanaw ng utang na loob. Hindi tayo marunong magpahalaga sa ating kapwa. Hindi natin mahal ang ating sariling bayan. Wala tayong malasakit at respeto sa isa’t-isa. Bakit Pilipinas?