Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Bawalan ang asawa sa klase ng masahe - Oh My Buhay

Bawalan ang asawa sa klase ng masahe

Nung araw din, hindi uso ang nagpapa-masahe. Ang meron lang ay manghihilot, at sila ay mga matatanda na na may nakasubong tabako o nguya ng nguya ng nganga.
Ngayon, uso na ang mga nagpapamasahe, bata, matanda, babae, lalaki. Kasama na yan sa lifestyle nating lahat. Ang daming masahista rin na hindi trabaho ang hanap. Nag ho-home service sila nakikita nila kung gaano kagaganda ang mga tahanan ng mga customers nila at tinatarget nila yung mga lalaki.

Ang hilot nung araw, itataas mo lang ang kamiseta mo para malagyan ng langis ng nyog ang likod para mahagod at mawala ang lamig o pilay. Ngayon, ang mga masahista ay umuupo sa pwet ng mga lalaking nakahubad, ibinababa ang mga salawal nung lalaki para mahimas ang mga pwet at tumbong. Minamasahe nila habang nakatalikod ang lalaki.

Eh saan mauuwi yan? Di nakakataka na maraming mga gunggong na mga lalaki na nakikipag relasyon sa mga nag mamasahe sa kanila. Pagsabihan nyo ang mga asawa nyo na itigal na nila na magpamasahe na sumasakay sa likod at naka lakdang ang babae naka bukaka, kahit naka talikod ang asawa nyo o nakadapa. Alam nyo na kung saan mauuwi yan. Maraming masahista na iba ang pakay. Kunwari lang na professional reflexologist pero may hidden agenda. Naghahanap rin.

Huwag na kayong magtaka kung bukas ay iba na ang natutulog sa kama nyo. Kung pinagsabihan nyo na ang inyong asawa pero tuloy-tuloy pa rin na nagpapamasahe sya na ganun ang pwesto dahil hindi mo naman nakikita eh talagang anak sya ng galunggong at wala syang pakundangan sa damdamin mo at kung ano ang pwedeng mangyari sa inyong buhay.

Kung sinabi mo na na ayaw mo na ganung pwesto ang masahe sa kanya pero pumapalag pa rin ang mister nyo at nangangatuwiran pa, aba ay sabihin mo isipin naman nya na baligtarin ang sitwasyon. Paano naman kung ikaw na misis nya ay magpamasahe sa lalaki at habang nakadapa ka, topless para mas mabuti nyang mahagod ang iyong likod. AT yung masahistang lalaki ay naka sakay sa likod mo at naka lakdang o naka dukwang yung lalaki at hinahagod yung iyung likod, bewang, pwet, tumbong, habang ang panty mo ay nakababa para mas mabuti nyang mahagod ang iyong balakang? Okay din ba yun?

Kung sabihin ng mister mo na okay lang sa kanya yun, eh di okay. Good. Go find another man. Change your husband.
#equalrights #equalopportunities

Share

Related Posts

5 thoughts on “Bawalan ang asawa sa klase ng masahe

  1. Eh lalaki na lang po ang pamasahe sa mga mister para wala lang. Pero wag yung makinis, maganda katawan, mabango at gwapo, at baka mauwi sa ES

  2. This is an eye opener- thank you for writing on this. I will not be surprised if this is also another face of prostitution.

  3. Hay naku Miss Annie, di lang masahista, pati kasambahay dapat bantayan din. Sila yung numero unong mahilig magpakita ng motibo sa mga lalaki sa bahay. Kaya ang mom ko dati puro matatandang mataba ang kinukuhang maid para di maakit ang dad ko haha

Comments are closed.