Him——–“Hello, hello, hi hello”.
Omb——–“Hello, yes?”
Him——–“Si Annie ba ito?”
Omb——–“Oo sino ‘to”.
Him——–“Hi Annie, si ______ ito”.
Omb——–?
Him——–“Si___, classmate tayo sa elementary, grade 5, hindi mo na ba ako matandaan?”
Omb–(Yung ulam ko kaninang tanghali hindi ko matandaan kung ano, siya pa kaya).
Omb——– “Bakit?”
Him———“Mangungumusta lang, nagkausap kami nila_____ sa Maynila ka na pala nakatira. Kukumustahin lang kita”.
Omb———“Mabuti naman ako, okay lang”.
Him———“Maganda ka pa rin ba?”
Omb———(Hmm what shall I say? If I answer yes I am still as beautiful as ever, napaka hambog ko naman. Kung magpa humble effect naman ako, “hindi naman ako kagandahan”, or “eto kulubut, gurang at tabatsuytsuy pa”, baka madepress naman ako.
Omb———“Natawag ka? Kanino mo kinuha ang telephone number ko?”
Him———“Kay______”. Sabi nya kahit daw matanda ka na, ang ganda mo pa rin”.
Abah, tarantado pala ito. Hindi na lang ako purihin, May kasama pang pintas. Maganda ka sana kaya lang gurang mo na. What does he want from me?
Him———“Annie, saan ang office mo? Sa Cainta ba? Pupunta ako dun, pasyalan kita”.
(Una, hindi pasyalan ang Ford Cainta. Tindahan yun ng kotse. Pangalawa ano kaya ang ipupunta nya? Is he going to buy a Ford Escape? The suspense is killing me.)
Him———“Matagal ako sa Saudi, engineer ako dun. Puro ipon ang ginawa ko. Eto umunlad na rin ang buhay.
Omb——-“Congrats”.
Him——-“Ngayon lang ako naka bakasyon. Pero sa Canada na ang tuloy ko sa February 17. Kinuha ako ng isang Canadian company. Dun na ako. Gusto sana kitang mapasyalan.”
Omb———“Bakit? Hindi kasi regular ang punta ko sa Cainta. Bakit ano yon?”
Him———“Personal sana. Pasensya na Annie”.
Omb —- (Naku tila mangungutang. Pero sabi nya marami na syang na-ipon).
Omb——“I don’t go to Cainta regularly. Sa phone na lang, ano yun?”
Him——-“Matagal na kasi akong hiwalay….. Elementary pa lang, crush na kita”.
(Ulk, wakanga, Pesteng ngya wok. Anak ng pritong okra. Sobrang lakas pa ng asim ko!!!)
Omb———“Sus, sino bang nakausap mo? Si Butch ba? Mukhang kulang yata ang information na nasagap mo. Nakukunsumi ako sa’yo. Una may asawa na ako at hindi ako naghahanap ng bagong asawa. Pangalawa, okay naman ang buhay namin, hindi kami nagugutom. Teka, wag ka munang magsalita, ang daming tiga Binangonan, mga bata at magaganda, sila na lang ligawan mo. Sige ha, busy ako”.
Lagot sha kay mr. Edmund!
hahaha, may asim ka pa Miss Annie!
So funny!!! Lol
Omgeee lakas tawa ko dito, lol!
I really had to comment. Ang lakas ng tawa ko dito sa opisina. LOL.
Borderline nakakatawa at nakaka kunsume!
hahahahaha this is so funny!!!