I had two hours before dinner time so I’ve decided to have a foot massage while Len and Bong went back to the hotel to rest.
I had ice cream at FIC, then had an hour of relaxation at the Bellfrei spa on the second floor of this commercial cluster in front of Convergy’s, also inside Camp John Hay.
I am not fond of putting toppings on ice cream. But on yogurt, I put almonds, mangoes, yung sago that pops. I like powdered graham and white mochi too.
I had a big scoop of sorbetes na quezo. I tried their buko sherbet pero hindi ko type.
I noticed these 3 young Korean tourists were fully covered. Jacket na jacket, ako naman ay naka-shorts, malapit ng lumitaw ang tombong.
Hayyy spa, zen feeling, relax, eyes close, sleep, no stress.
Foot relax is P250 for 45 minutes or P300 for an hour. Syempre an hour. 45 minutes is bitin.
I could see the tourists down below. Although I could hear their laughters, hindi naman obstrusive. I fell asleep while someone tinkered with my feet.
I had ginger tea after the massage.
I paid P300 plus a hundred for the therapist.
And perfect timing, my left tsinelas split in half.
Buti na lang the Res-Toe-Run shoe store is located right beside the spa.
ang mahal pala ng mga tsinelas dun. Yung disipit ay P1,200 yata.
My tsinelas from Aerosole self-destructed. It’s so ugly and disgusting. Tila second time ko pa lang yan naisuot. Nakakahiya ang itsura.
I entered Res Toe Run na iikaika because I was dragging the broken slipper.
I spotted this beige colored rubberized sandals. They only had one pair left. Yung right foot ay naka display mukhang luma na at madumi na siguro sa kakasukat ng mga tao.
Me——– Miss, meron ba kayong bago? Mukhang gamit na ito.
She looked inside their stock room.
Girl—— Mam, last pair na ho yan.
Me——– Naisuot na ito ng iba, madumi na. Ayaw kong mag-suot ng nagamit na ng iba.
Girl—— Mam, wala na ho talaga.
Me——– Made in ano yan?
Guy——- Australian brand.
Me——– Saan nga gawa.
Guy——- Mam, China na ho.
Bakit naman daw kasi patanong-tanong pa ako. I assume ko na lang dapat na puro China.
I realized I had no bargaining power and wala akong tsinelas, Hindi ako pwedeng magsuplada kung hindi, maglalakad akong naka-paa eh tapos na ang penitensya.
Me——– Sige yan na lang. Pero gamit na.
Girl—— Mam, bigyan ko kayo ng 10% discount.
Me——– Paki hugasan naman, may tubig at sabon ka ba? O kaya alcohol?
Free Fish Rubber sandals P1,790 less 10% discount. Cute na rin ‘no? Para akong flower girl.
hindi kinaya ang init sa Pilipinas ng Aerosole ha! Grabe! Considering they are a decent US brand shoes pa man din….
Hello Ms. Annie! Baka po nalungkot ang Aerosole nyo kasi bihira ninyo gamitin kaya sa sobrang tuwa ng isuot na ninyo di na kinaya, ayon bumigay! 🙂 May Aerosole din po kasi akong tsinelas and malambot sa paa, at pag napipigtas ng bunso ko ang tsinelas nya (madalas) yong Aerosole na tsinelas ang ginagamit nya pansamantala habang di pa siya naibibli ng kapalit. 🙂
palagay ko nainitan talaga sya kasi naka tago lang yan for two years.