Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
good and bad conversations - Oh My Buhay

good and bad conversations

Woman———— “Hindi ka pa nakapunta dun? Ay ang ganda dun, bago ka mamatay dapat pumunta ka dun”.
Peeved OMB——– “Hindi pa ako mamamatay. Why do people say that.. uso bucket list. I don’t have a bucket list. I go wherever I wanted to go”.
Thinking about her makes me want to whack her face. She could have said “pumunta ka dun, it’s a nice place to visit”. Why did she have to say bago ako mamatay. Naghihingalo na ba ako.

OMB to staff—— “Nakita mo ba kung tapos na silang magpintura?”
Staff————- “Nag faint na”.

OMB to Maid——- “Pumunta ka sa State Financing Center, sa ground floor,…….”.
Yung building nila ay nasa kalapit ng POEA. Alam mo kung saan yung POEA?
Minda————— “oo mam”.
OMB—————- “Yung State Financing Center ay nasa tabi lang ng POEA, pumunta ka at ……”
OMB—————- “naintindan mo ba kung saan ka pupunta?”
Maid————— “Sa ground floor ng POEA”.

OMB—————- “Antonia, tila hilaw pa itong manok”.
Antonia———— “Sabi mo kasi wag overcook”.

OMB to Modista—– “Di ba yung drawing ko nakalagay baby collar? Bakit ginawa mong ganito?”
Modista———— “Mas maganda kasi yan”.
OMB————— “Pero ako ang magsusuot”.

OMB to Modista—– “Bakit itinahi mo ito? Diba sabi ko ako ang maglalagay kung saan ko gustong ilagay itong bulaklak?”
Modista————- “Dyan maganda”.
OMB—————- “Pero ang bilin ko wag mong ikabit, ako ang magsasabi kung saan”.

OMB—————- “Tart, hindi maganda yung kinalabasan nung gawa nila…”
Edmund————- “Mas magaling ako dyan”.
OMB—————– “Kala ko umalis na yung bagyo”.

E—————— “Tart, mag-aircon tayo”.
OMB—————- “Ang ginaw sa labas, umuulan”.
E—————— “malagkit kasi”.
OMB—————- “Ikaw sosyal ka ng ngayon, hindi ka na pwedeng walang aircon”.
E—————— “lagyan mo nga ng Salonpas ang likod ko, ang sakit”.
OMB—————- “Ikaw hindi ka lang sosyal, demanding ka pa”.

OMB to Analie—— “Wag ka ng magmop. Kumuha ka na lang ng timba lagyan mo ng malinis na tubig at malinis na basahan. Punasan mo itong mga gilid-gilid. O tingnan mo, ang alikabok. Wag ka nang mag mop ngayon at bukas”.

After 15 minutes…
OMB—————- “Bakit nagma-mop ka uli? Di ba sabi ko kanina, magpunas ka ng lang ng mga gilid? Hindi mo ba naintindihan ang sabi ko?”
Kumuha ka ng timba na may tubig, punasan mo yung mga gilid, eto o, ganito”.

After 5 minutes… she came in with a dripping mop.
OMB—————- “Bakit mag mop ka na naman. At basang-basa pa”.
Analie————- “Hindi, konti lang basa”.

I squeezed the mop, water flowed on the floor.
E—————— “O, bakit?”
A—————— “Ang hirap magbigay ng instructions, ten minutes pa lang nalimutan na. Hindi sila maka intindi, nakakapagod. Ayaw ko nang mag-maid, it’s so tiring”.

OMB to driver——- “Nasa kaliwa daw yung Shell”.
OMB—————– “Kaliwa, bakit sa kanan ka naka tingin”.
OMB—————— “Kakaliwa tayo paglampas ng Shell, unang kalye”.
Driver————— “Kaliwa tayo mam?”
OMB—————— “Hindi dyan, driveway nila yan, dun sa unang kanto”.
OMB—————— “Bakit ka naka tingala, sa kaliwa ka tumingin”.

OMB—————– “hanapin mo yung Boie drugstore, nasa kaliwa daw”.
OMB—————– “O, bakit tayo nadito? Umatras ka. Eh garahe…, Ano ba yan pumikit lang ako, mate-tresspassing tayo”.

Oyen saw two Victorian inspired wrought iron shelves. We were in a hurry because we were late for mass. I volunteered to go back the next day after office hours.

009
They’re P3,500 each. I bought two. One for Oyen’s bathroom and one for her books daw.

Mall Cashier—— “Mam meron kayong rewards card?”
OMB————— “Wala”.
Mall Cachier—— “Mam, makaka-earn kayo ng foints. One foints. One foints for every twenty furchase”.

034

Since I was already in the mall, I swung by the dermatologist clinic. I’ve been feeling a small bump on my right side scalp which I couldn’t see from the mirror.

010

Me—————- “Doctora, paki check nga ito, laging naaapa”.
Dra————— “Pagbalik mo na lang, sabay na nung iba”.
Me—————- “Ah, kasi matagal na yan, gusto kong maalis”.
Dra————— “Ay, madali lang yan, tutusukin ko lang. Pagbalik mo na?”
Me—————- “Can you just do it now?”
Dra————— “Ayan, wala na. Yung iba pagbalik mo na para isang gawa na lang”.
Dra————— “Naloloka ako, yung best friend ko meron kamin joint account And/ OR, naubos, ngayon ako hinahanapan ng pera, ginastos ko daw”.
Me—————- “Why do you have a coomon bank account”.
Dra————– “Kasi nasa America sya, yung mga utos-utos nya dito, Mare, bayaran mo nga ng thrity thousand si ano, Mare, bigyan mo nga ng fifty thousand si ano”.

When the woman’s husband died, she was able to collect one million US dollars from his life insurance. She went on a buying spree of real estate in Stockton and other places. When the real estate collapsed, the one million dollars went down the drain in an instant. She kept P1,500,000 in the joint bank account with her friend for her expenses in the Philippines. That too is gone and she’s blaming the dermatologist.

Dra————– “Mas mayaman ako sa kanya, ang dami kong pera, hindi ko kailangang galawin yung pera nya. ayoko na ngang makipag-kaibigan, ayoko na, nakaka-loka”.

Antonia———– “Mam, wag na kayong bibili ng kanduli. Walang gustong kumain”.
OMB————— “Nung araw sa Binangonan, pag kanduli ang ulam, nagyayabang kasi pag-kain yun ng mayaman. Yun kasi ang pinaka-mahal na isda”.
Antonia———– “Yung Mayor sa Laguna, ipinamimigay lang ang kanduli, kaya ang mga tao ayaw kainin. Pinaka-mura kasi yan mam”.
OMB—————- “Anong gusto nila? Bangus lang at tilapia?”
Antonia———— “Yung malalaki. Ayaw namin ng maliit”.

Mga sosyal na ang mga D E F G ngayon.

My siblings and I’s favorite food is still sinigang na kanduli sa miso. We always served this dish during Tan family gatherings, until now, even if they’re all now living in the US.

Share

Related Posts

One thought on “good and bad conversations

  1. Ha ha … Ms. Annie, sinigang na kanduli sa miso is still one of my favorite dish back in our hometown. I have not eaten again in years. Ang sarap kaya !

Comments are closed.