Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Good Friday Fiesta Penitensya - Oh My Buhay

Good Friday Fiesta Penitensya

I grew up hating the actual day, Good Friday. Kasi ang lungkot-lungkot. It was forbidden by the Catholic church to speak loudly, be noisy and active. So quiet, bawal tumakbo, tumawa, lumundag, ngumisngis, kumain. Walang pagkain. Bawal maglinis, magwalis. Ang init-init pa, bawal maligo. Walang palabas sa tv. Bawal magpa tugtog ng juke box. The only sounds were coming from the pitong palabra and pabasa. Penitensya talaga.

Marinig lang ng mama ko na tumatawa ako, susutsot na sya at didilatan ako.

Walang nagtitinda sa plaza pag Byernes Santo, ang lobo (balloons) ay pag fiesta lang. Nakaabang lang ang mga nagtitinda ng lugaw, pospas, sopas at puto sa aplaya. Alas dose pa ng hatinggabi pwedeng kumain, lalo na lugaw na may manok. Iniintay rin matapos ang prusisyon bago magsimula ang kainan.

Ngayon, ang Byernas Santo ay parang fiesta. Merong tiangge at mga sidera.

Tiangge, Parang fiesta

Kain ng todo, merong ibang bahay may mga bisita na tiga Maynila kaya marami silang pagkain, merong handaan. Fiesta penitensya.

Nung kinder ako wala namang spaghetti sa Binangonan, Meron lang pansit luglug. Tapos nahaluan na ng foreign language, naging palabok na. Tapos biglang nauso, spaghetti, pulang-pulang, ketsup na ketsup ang amoy, hitsura at lasa, merong sliced hotdog, pula rin.

Spaghetti Lugaw

Dapat daw merong brand yung hotdog kasi baka daw si Mingming (cat) ang nasa loob.
A——–Tender juicy ba ito?
Vendor—Hindi ho, hotdog.
grilled hot dog

Ate Elsie cooked balaw-balaw and guinataang hipon with pinya.
guinataang hipon and balaw-balaw

We bought two big candles to light on top of our fence.
Good Friday candles for sale

My children’s yearly give-away, 1,500 pieces of assorted bread.
1,500 bread for devotees

Sabi ni Edmund kasi daw dapat nagpe-penitensya ang tao eh bakit namin pakakainin at paiinumin ng may yelo pa.

Share

Related Posts