Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Guide to Driving Safely - Oh My Buhay

Guide to Driving Safely

This post is intended to guide drivers / vehicle owners.

Itong post na ito ay para po sa mga tsuper at mga may-ari ng sasakyan. Sana makatulong kahit papaano para maiwasan ang aksidente.

1. Mag-aral uli sa pagmamaneho. Yung tamang pagmamaneho.
2. Pag-aralan ang ibig sabihin ng mga guhit sa kalye, traffic lights, U turn, left turn.
3. Yung solid na yellow line ay ibig sabihin bawal mag-overtake.
4. may-guhit man o wala, ingat lagi bago mag-overtake.
5. Huwag mag-overtake pag paliko kasi delikado yan.
6. Huwag mag-overtake pag-paakyat ang kalye kasi hindi mo makikita kung may kasalubong ka. mag-overtake kung kitang-kita mo ang kalye sa harap mo na malayo pa ang kasalubong mo.
7. Overtake with safe distance from the vehicle in front of you.
8. Huwag mong-i-cut yung mga sasakyan sa gilid o harap mo.
9. Pag-aralan ang tamang pagliko, pagtakbo. pag-atras, pag-abante, pag maniobra kung nasa masikip na daan. Kung paano mag parada ng paatras, patagilid. Practice how to park in tight spaces. Practice makes perfect.
10. Sa mga bago pa lang nagmamaneho, mag-aral mabuti kung paano umatras, kumabig ng manubela, atras abante. alamin ang tamang timpla ng apak sa gasolina (selinyador). Alamin mabuti kung nasaan ang aapakan na break.

11. Know the difference between break pedal and gas pedal. Ang aksidente maiiwasan kung sa halip na gas eh break ang aapakan mo.
You stepped on the gas instead of the breaks that’s why the vehicle accelerated.

12. If it’s on DRIVE, of course it would run even if you don’t step on the gas. But when you panic and step on the gas, syempre mas mabilis ang takbo. All you need to do is step on the BREAKs. Make sure half of your foot is not touching the gas pedal.

13. Kung paakyat o pababa at matarik ang kalye, gamitin ang engine break. Ilagay sa primera o segunda para hindi ka bumulusok paatras o paabante. Kung pababa ang kalye, hindi mo kailangang apakan ang gasolina. Kung naka drive ang kambyo, kahit ayaw mo, aandar syempre ang sasakyan. Kung pababa ang kalsada, gugulong pa rin ang gulong kaya alalay ka sa break.

14. Tuwing liliko, kailangan kang magmenor. Kung matuling ang takbo mo at paliko ang daan, kailangan mong magmenor, apakan ng konti ang gas, kalkulahin kung anong bilis lang ng kailangan mong itakbo. Kung sobra kang tuling habang paliko, pwedeng tumilapon ang sasakyan mo kung hindi mo makokontrol ang manubela. Para sigurado sa kaligtasan, magmenor ka. Yung tama lang depende kung nasaang lugar ka.

15. Pero hindi ka naman pwedeng tumigil sa gitna ng kalye bigla kung nasa highway ka at may kasunod, baka ka naman maumpog sa pwet. Maaksidente yung nasa likod mo at pati na ikaw. Kaya kailangan, tantyado mo rin ang takbo mo. Hindi takbo ng takbo, hindi rin menor ng menor at patigil tigil.

16. Kung mabagal ka, huwag kang pumunta sa fast lane (innermost lane), yung gilid ng island. Dun ka sa gitna ng lane para hindi ka makaabala.

17. Bago i-start ang makina, siguraduhin na naka-apak ka sa break para hindi umatras o umabante ang sasakyan. Maraming bumabangga paatras sa garahe pa lang. Marami ring nakaka-sagasa pag-start pa lang.

18. Yung mga nagpapasada ng mga bus o truck, laging suriin ang breaks ng sasakyan para maiwasan ang aksidente.

19. Huwag masyadong matulin magpatakbo. Kahit akala natin ay walang mga sasakyan, mas mabuti kung alalay lang ang takbo. Kasi dito sa atin ang mga opisyal ng gobyerno kulang sa pag-iisip. Mahilig maglagay ng mga barriers na walang reflectorized lights. Maraming nakatumba sa gitna ng kalye hindi na naaayos. Bigla na lang meron silang ilalagay na mga harang. Kung hindi natin mapapansin ay naku, langit ang bagsak natin.

20. Napansin ko tayong mga Pilipino nasanay sa masikip na kalye. Pag nakakita tayo ng maluwag na daan at walang trapik, hala, bara-bara tayo kung magmaneho. Kaya maraming aksidente sa Commonwealth Avenue, observe the vehicles how they run. They don’t follow the lanes. Palipat-lipat, lusut ng lusot, parang bago lang naka kita ng kalsada.

Commonwealth Avenue

21. Kung nagmamaneho ng mabilis sa highway at kahit sa EDSA, huwag tumingin sa mga billboards lalo na sa mga babaeng seksi at lalaking naka baba ang salawal. Accident prone yan. Pwede kang maaksidente.

Paulit-ulit na paalala:

1. Walang nakikinig o sumusunod dito pero uulitin ko na rin, huwag mag text o magtelepono habang nagmamaneho. naku ang daming kong nakikita na nagtetext habang nasa manubela. Babae, lalaki, car owners, bus drivers, taxi drivers. Matitigas ang mga ulo ninyo. Sana matutong sumunod. Salamat po.

2. Kayong mga misis, pigilan nyo ang inyong asawa pag nakikipag-away sa kalye. Huwag hayaan na makasakit at makamatay ng kapwa. Kung ayaw paawat, upakan mo na bago sya maupakan ng iba.

3. Kayong mga lalaki huwag masyadong hambog. Matutong magpa-kumbaba (humility) at matuto ring magpasensya sa kapwa nagmamaneho (patience).
Tandaan mo, pare-pareho lang tayo na gustong makarating sa ating pupuntahan. Pasensya na lang kung nagka-untugan. Basta wala namang nasaktan, konting gasgas ng sasakyan, nagulat ka, kumulo dugo mo agad, hayaan mo na lang. Uminom ng tubig at magbuntung-hininga.

4. Mag-ingat sa pagtawid o paglakad sa tabing kalye. Maraming driver na aanga-anga. So ingat tayo pagmerong mga sasakyan sa paligid natin. Nakaparada man o hindi.

Share

Related Posts