Me to Ford EDSA guard——– Guard, paki tulong nga, paki lagay sa floor.
Guard carried the flower pot and placed it on top of the reception counter.
A———– Hindi dyan, sa baba.
Guard——- Sa taas mam?
A———— Sabihin mo sa guard maghahatid lang tayo ng regalo.
Driver N—– Guard, maghahatid ng regalo kila Misis…….
Guard——– Kanino galing?
A———— Annie Tan
Guard——– Aileen Tan
Driver N—– Annie
Guard——– Aileen Tan
Driver N—– Annie Tan
Guard——– Okay, (took his radio) Galing daw kay Aileen Tan, Aileen Tan. Roger.
Driver N—– Guard, Annie Tan.
Guard——– Papasok na si Aileen Tan.
Guard——– Diretso lang, sa dulo kaliwa.
Driver N turned left at the first driveway.
A———— Mali ka, ang sabi ng guard dun sa dulo, diretso.
Driver N—- Mam, ang sabi nya kasi UNANG KANTO kaliwa.
A———- Ang linaw-linaw ng sinabi, hindi ka nakikinig, sa dulo,
Driver N—- Sabi nya mam unang building.
Driver—— Guard, may ihahatid lang kaming pagkain.
Guard——- Kanino galing?
Driver—— Kay Miss Annie Tan.
Guard——- Galing kay Susan Tan.
Driver—— Annie Tan
Guard——- Pahingi na lang ID
Guard——- Susan, Susan Tan papasok na, may regalo, Roger.
A———– Sa Greenhills tayo.
Driver D—- Sa Pasay?
A———– Miss, merong kayong box?
Miss——– Meron eto
A———– Ay salamat, magkano?
Miss——– Wala, pili ka lang.
I chose 8 packs of hopia with a variety of flavors.
Miss——– Miss, hindi pwede ang box. Kasi 8 lang ang hopia mo.
A———– Dapat ba ilan?
Miss——– isang dosena.
A———– Sige dadagdagan ko na, sa susunod linawin mo, merong libreng box KUNG isang dosena ang bibilhin.
A———- Organic?
Tindero—- Oo mam, kuha ka na. Maalat yan.
(Syempre alangan namang matamis)
A———- Miss etong bayad, paki balot na mabuti.
A———- Uy, pregnant ka pala. Ilang buwan na? First baby mo yan?
Buntis—– Seven months.
A———- Boy o girl?
Buntis—– Boy.
A———- That’s nice. May napili ka ng pangalan? Huwag mong papangalanan ng weird.
Buntis—– Dapat daw bibilical.
A———- Yung sa saint? Basta wag weird gaya ng Vaculao.
Buntis—– Yan mam (pointing at my stomach) may pangalan ka na?
hahaha lakas ng tawa ko
mga kunsumisyon nga sila