Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Hindi ka mahal ng boyfriend mo - Oh My Buhay

Hindi ka mahal ng boyfriend mo

Halos araw-araw merong nag-i-email sa akin, humihingi ng tulong tungkol sa asawa o kasintahan. Hindi ko na nasasagot karamihan.
Magkakahawig ang problema— naghahanap ng mangkukulam. Ipapakulam ang asawa na iniwan sya, ipapakulam ang nobyo kasi may nabuntis na iba. Ipapakulam ang nobya kasi may iba na syang gusto. Ipapakulam ang lalaki na ayaw sa kanya para maakit at magka-gusto sa kanya.

Hindi ko kayo matutulungan dahil wala akong kilala na mangkukulam at hindi rin ako nangkukulam. Pagmay-problema ako, nag-dadasal ako. Umiiyak din pero hindi ako naghahanap ng mangkukulam para ipakulam ang mga taong may utang sa akin, ninakawan kami, o yung mga salbahe.

“Hi po baka po may kakilala kayo na manggagamot. Kaht po number lang tatawagan KO sya mapagamot lang . ung boyfriend KO kasi nakikipag hiwalay sya pagkatapos may nangyari samin.. Pls po..”

Dear initials M.M.,

Ang opinyon ko,  kung gustong makipaghiwalay sa’yo,  huwag mong pigilin.  Hayaan mong umalis.  Ibig sabihin lang nyan hindi ka naman talaga mahal nung boyfriend mo.  Gusto lang nya libreng sex.    Gusto ka ng hiwalayan dahil sawa na sa libreng prekprek mo.   Hindi ka nya mahal kaya humiwalay ka na sa kanya.    He just wants free sex.

Kahit may nangyari na sa inyo, eh ano?  Modern na ngayon.  Maligo ka na lang ng ilang beses.

Ang gusto mong mangyari sa buhay mo eh makatagpo ng tunay na lalaki na tutoo at wagas ang pag-ibig sa iyo at paggalang.  Yung pakakasalan ka at mananatili sa tabi mo hanggang sa inyong pagtanda.  Yung tatayong padre de-pamilya sa mga anak ninyo, at aarugain kayo.  Hindi yung libreng sex lang ang gusto.

Huwag mong sayangin ang oras mo paghahanap ng mangkukulam.  Hiwalayan mo na yang boyfriend mo dahil hindi ka nya mahal.  He doesn’t truly love you. Bigyan mo ng halaga ang sarili mo.  Free yourself.

Share

Related Posts

3 thoughts on “Hindi ka mahal ng boyfriend mo

  1. Ms. Annie, this post is so hilarious! “wala akong kilala na mangkukulam at hindi rin ako nangkukulam” LOL!

Comments are closed.