Ano ba ang nangyayari sa paligid-ligid natin? Saan kaya tayo pupulutin? Sa kangkungan? Kailan talaga tayo makakaahon sa mga problema na tayong mga Pilipino ang mismong may kagagawan hindi ang mga dayuhan? Kung wala tayong gagawin kundi magbangayan, magmurahan, manghamon ng away, magpatayan, paano na tayo?
For all our sake, huwag tayong war freak. Magmalasakit tayo sa kapwa. Ipasintabi ang sariling damdamin at pananaw para sa kapakanan ng nakararami.
Be kind and respectful to one another.
“Our prime purpose in life is to help others. If you can’t help them, at least don’t hurt them”. —- Dalai Lama
Hay naku Miss Annie..something happened to some of our citizens. It’s like they are under a spell. Yung ibang kalmado dati at reasonable, biglang naging war freak at violent na kung mag-isip.
Kahit sa family namin, I hate attending family get together lalo na pag andun mga tito ko na pro-violence. Ngayon ko lang nakilala ng lubos ang ibang friends ko. May tendency pala silang mag-isip ng ganun. I had to stay away from social media kasi parang magkaka-nervous breakdown ako while reading their posts and comments.