I came home at 6 pm and found my husband sitting at his favorite spot on the three-seater sofa in the great room. He came from an early meeting in the south. Just before noon, he rushed to his office. He looked stressed. He discovered that an employee he thought he groomed and trusted is a magnanakaw (thief) pala. Mataas pa mandin ang respeto at tiwala nya dito. Mandedekwat pala.
I was just telling my daughter last night that iba na ang mga tao ngayon. Iba na ang kultura. Mas grabe. Malala na. Maraming magnanakaw. Ang masaklap, mga taong pinagkakatiwalaan mo at nasa ilalim ng ating bubong. Ang iniisip nila ay kung ano ang mananakaw sa kapwa.
Iba-ibang style. Merong kukupit sa gasolina, sa pamasahe, nangungumisyon sa mga suppliers. Nangungupit ng supplies. Kahit kapwa empleyado ay ginugulangan rin.
Naalala ko tuloy ang nasirang si Ka Imon. He owned a few big shopping malls. He trusted a guy he treated like his own son. He discovered kinukupit pala yung mga rental payments. Ayun ipinakulong nya.
Yung anak-anakan naman nung isang admin manager, ka-guwapong bata. Every time pala nagpapa-withdraw sa kanya yung ninang nya, kinukupitan nya ng libu-libo. He has stolen some P100,000 in total before it was discovered.
I can give a hundred examples of employees stealing from their employers.
Iba ang kultura ng maraming Pilipino. Pagnanakaw ang pakay.
Ang panonood ng sex movies sa inyong mga celphones sa oras ng trabaho ay isang uri rin ng pagnanakaw sa kumpanya. Binabayaran ang sweldo pero hindi nagta-trabaho ng tama.
This is very common nowadays Ms. Annie. I had an employee na dinadaya ang OT sa time sheet and then another one naman na di sinabi ma may discount pala from one of our suppliers. Ang hirap talaga magtiwala dapat always on guard ka.