E—–“Itong mga ito, hindi nag-iisip”.
My husband dropped 4 coins on the table. I thought he was giving them to me for my piggy bank (alkansya).
E—-Tingnan mo itong mga ito, hindi ba naman sila nag-iisip?”
I thought these were eight pesos. Looking closely, there were one peso and 3 five peso coins. The new 5 pesos is very similar with the old 1 peso coin. They should have changed the color of the new 5 pesos to make the distinction more noticeable.
Exactly my thoughts too Ms. Annie. As in eksakto! Pati yung “act” parehong pareho. Hehe.. Ipinakita ko sa brother ko with the same lines. 🙂
E kasi naman..hindi ko matanggap! Para namang walang professional fee yung mga nagdesign. Sabi ko nga sa brother ko.. Hindi ba possible na ibalik yung irregular shaped coins? Naabutan ko pa kasi yung 10 corners na 2 peso coin. And ang alam ko we once had a square shaped coin. Kahit lagyan nga lang ng butas sa gitna na parang 5 cents para lang may distinction yung piso at bagong limang piso. Sigurado maraming mga drivers ang maiisahan ng mga oportunistang pasahero. And.. Pwedeng the other way around. Mauuso ang linyang..
“Limang piso yung inabot ko ah!”
Nakakalito na nga yung current 10 and 5 peso coins eh. Sa colors na lang halos madidiffer. Gaya ng sabi nyo.. Sana niretain man lang yung pale gold color nung dating coin.
Paano na lang yung mga visually impaired? Baka maloko ng mga masasamang tao. Magkasing laki lang eh.
Hay.. Pati tuloy barya ikinaiinit pa ng ulo ko. Hehe.. I use coins a lot po kasi. Kaya directly affected ako. Hehe.. 🙂
Hi Southern Juanderer,
They did not spend a lot of time thinking about function and use.
Sukli nga sakin akala ko kulang. Tinignan ko mabuti then ayun yung stealthy 5 peso coin.
Almost argued pa sa driver. Pati ba naman ata sa minting kinapos ng budget kaya silver nalang.
Hi Cyril, Dapat kahit madilim pwede nating ma identify kung alin ang piso at alin ang limang piso. Eto pwede talaga tayong magkamali.