I first went straight to St. Ursula Parish Church. There was no more Holy Mass and only a handful of people was there.
P20 per family of candles consisting of the mom, the dad and a daughter.
Libre sindi and libre tirik na rin. Libre re-cycle na rin.
Atensyon mga kababayan, huwag na huwag pakialaman ang mga baldosa, baka naman sa darating na panahon eh may bagong pari ay mangati ang kamay at palitan ito ng mga tiles na galing sa Home Depot ito.
Meron nang bakal, dati wala ito. Siguro kasi marami ng dayo sa Binangonan, baka magnakaw sa simbahan.
Sinners, this is where you should go, confess your sins!
I intentionally wore red today kasi red is Sta. Ursula’s color, albeit a little darker.
I’ll pikchur you
We didn’t know each other. I just saw her trying to take a picture but her camera’s flash malfunctioned. so I convinced her to pikchur me and I’ll pikchur her using my camera in return. And it worked. she’s Maritess Zarate. See, I remembered her name.
Nakagisnan ko na ang loob ng simbahan ay maaliwalas, elegante, pinturado at may palatada at kisame na puti. Nung isang beses na merong na-assign na pari na mahilig sa natural finish, ipina kayod lahat ang pintura, pinabaklas ang kisame, pinakialaman ang mga daang-daang taon na orihinal na candelabra, at eto ang naging hitsura ngayon, mukhang madilim pero natural finish nga, mukhang nagpagawa ng bahay na kinulang sa budget, kaya naka buyangyang ang dingding. Pag-umuulan medyo maingay dahil nawala ang kisame kaya yung kalatog ng ulan dinig na dinig.
Sa susunod na may bagong pari, baka mahilig naman sa pink ay pinturahan naman ng pink ang loob. Siguro kukulo ang dugo ko, baka maihagis ko sya (Oh Lord pls forgive me) sa beauty parlor, doon na lang siya magpa kyoteks ng pink.
After about 15 minutes, a group of teen boys dripping in wet clothes entered the church carrying a small statue of Sta. Ursula.
On my way out, the guy on the left approached me..
“Hindi ako masamang tao, kailangan ko lang ng tulong”
Me—- Taga saan ka? Hindi ka tiga dito.
“Tiga Cainta ako”.
Me—- Cainta? Saan don? Bakit hindi ka magtrabaho….
(muntik ko ng nasabi, doon rin ang daan ko pauwi mamaya, gusto mo ihatid na kita sa inyo)
I gave him P20 bucks.
Then 5 seconds after I have stepped out of the church’s door, he appeared behind me and said
“Bigyan mo ako ng pambili ng gamot ng anak ko”.
Me—- binigyan na kita ng beynte pesos.