Nung araw I didn’t know there’s such a thing as Pagpag. Sa Binangonan wala naman ganitong pamahiin (superstition). Basta pagka galing sa lamay sa patay, uwi agad. I just adopted this pamahiin a few years ago.
After attending mass at the wake of Patricia Leung at the Heritage Memorial Park, I asked Edmund where we would go.
Omb—–“San tayo dadaan?”
ECY—–“Dyan sa C5”.
Omb—–“Hinde, saan tayo pupunta…”
Ayun gets na nya.
ECY—–“Meron dyan Select sa gasolinahan”.
ECY to driver—–“Tumigil tayo dyan sa Shell, hayan iparada mo sa harap ng Select, dyan…”.
This Select is very small and has limited items. Ikot-ikot, kahit ano na lang madampot. I got Chocolait for my daughter.
When I saw Edmund already standing in front of the cashier, humabol ako. I saw there were racks of candies. Mentos, Fruitella, etc. Then I saw some colorful boxes on the right side. I took one, moved it closer to my right ear and shook it. Kung matigas ba yung candies dun. Kung a-alog.
ECY—–“Ano ka, condom yan”.
Omb—–“o sorry”.
ECY—–“Wag yan, delikado tayo dyan”.
Etong asawa ko ninerbyos naman agad. Akala siguro may balak ako sa kanya. Excuse me. Sige na nga magpapagawa na ako ng salamin.
This is a really funny post. (except the wake part, of course). Literal kasi na natawa talaga ako (with sounds) sa pag-alog nyo ng condom para marinig kung kumakalog yung laman. Hehe.. Nakakaaliw kayo ni Sir Edmund. 🙂
Good Morning Ms. Annie! Thank God OMB is back! 🙂
Next to candies naman kasi LOL
Ms Annie, you need eyeglasses asap.