Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Police Oficer Sta. Isabel - Oh My Buhay

Police Oficer Sta. Isabel

When OMB reader Paul alyas Kanduli mentioned in his comment that a certain police officer named Sta. Isabel strangled a Korean businessman inside Camp Crame, at first I didn’t know what he was talking about. I didn’t want to watch TV Patrol or Saksi because all the news from our country are the same, patay, drugs, and every time Pres. Duterte would say something that could trigger some knee jerk reaction, I just get more worried.

When Paul mentioned about the Korean, I went to Xfinity, clicked TFC and watched Saksi.
Oh My Lord!
They kidnapped the Korean from his house and strangled him inside his vehicle, parked inside what’s supposed to be the safest place in Metro Manila? They killed him like a chicken. My stomach is churning, Hay grabe. I have no words for this gruesome and inhumane act. Para silang hindi tao. Ganun lang kadaling pumatay ng tao. Where do they get their power to kill any one?

eagle news

Korean investor Ji Ick Joo was killed allegedly by Policeman Ricky Sta. Isabel.
jee-ick-joo-ricky-sta-isabel-composite
(photo from Eagle news)

We do not know who is telling the truth, they are all pointing at each other. Someone is lying and how do we find the truth? My God!

One thing is for sure. There is no more respect to life. Ganun na lang kadaling pumatay ng tao.
Tapos napakadali ring mag-imbento ng kwento. Basta ka na lang papatayin tapos sasabihin drug personality ka. Gagawan ng buong istorya, kumpleto sa sangkap. Wal kang panalo.
Where is our country going? Saan papunta nag ating bayan?

In late 2016, The teenage son of our friend was riding in a car with two of his friends. They were spotted by policemen. The police officers did a search and allegedly found one stick of marijuana. They were brought to the precinct and parents were asked to shell out two milliion pesos for their release. After paying some money, the teenagers were released.

I saw a clip of Gen. Bato saying that para syang matutunaw sa hiya. Pres. Duterte commented that “hindi sila natatakot sa akin”. Bakit ganito tayong mga Pilipino? Kailangan bang matakot tayo para lang maging mabuting tao? Hindi ba pwedeng maging mabait tayo, kahit walang nagbabantay sa atin? Are we barbarians that we still need an iron fist to make sure we do things right?

Bakit nga ganun? Kailangan laging babantayan kundi gagawa ng kalokohan o masama.

Ang mga cashier kailangan bantayan kasi uumitin yung pera. Ang mga tindera, kailangan bantayan dahil uumitin ang mga tinda. Sa groceries, kailangan sundan ng gwardya ang mga namimili kasi isu-shoot sa bag ang mga shampoo at lipstick. Sa palengke, kailangan bantayan ang timbangan kundi dadayain ka sa timbang, kulang. Yung sukli kailangan bilangin mabuti kasi lilituhin ka, kulang at peke ang isusukli sayo. Ang mga asawa kailangan bantayan kasi makikipagharutan sa mga babae sa labas. Ang mga misis kailangan ring bantayan kasi nagpapa-charming sa iba. Ang mga anak kailangan bantayan kasi baka mauto ng mga kaibigan. Ang mga maids kailangan bantayan kasi kinakalikot ang mga gamit ng amo. Ang mga gwardya kailangan bantayan dahil natutulog habang duty. Ang mga drivers kailangan bantayan dahil naninigarilyo sa loob ng kotse habang naghihintay sa amo. Ang mga empleyado kailangan bantayan kasi naglalakwatsa.

Pwede naman tayong maging mabuting tao, responsableng mamamayan, asawa, empleyado, anak, pulis, gwardya, etc. kahit walang nakatingin o nagbabantay sa atin. Gawin natin ang mabuti at tama.

#choosetobegood.

Share

Related Posts