This is not the 18th time that something like this has been uncovered. After the 12 billion pesos Aman Future Group scam, several other scams were discovered mainly due to the complaints of victims but it’s too late. Always. Kahit ibitin mo ng patuwarik yung mga luko-luko na yan, kahit durugin mo at ipalaman sa pandecoco, wala na yung mga pera. Hindi na maibabalik.
Sa lahat ng sulok ng Pilipinas palagay ko merong mga ganitong scam. Kahit nga sa Binangonan, ang daming naloko at nagpaloko. At magtataka ka pa, mga taong edukado naman, yung iba may magagandang trabaho dito at sa ibang bansa, kahit sabihan ko, they really believed. Why? because the first few months, they received big amounts of money. Eh galing din yun sa kanila, ibinabalik kunwari interest. Para lalong kayong mapabilib at magdagdag pa ng investment. Maraming nanghikayat pa ng ibang investors. Maraming nangutang pa sa banko kasi akala bright idea. Borrow P1,000,000 and pay 10% 8% interest to the bank per annum. Invest the P1,000,000 to the fund company and earn 300% a year = 290% profit. Wow fantastic, easy money, too good to be true.
I have said this a couple of times before and I am going to say this again. ANONG KLASENG legal na NEGOSYO ANG KIKITA NG 30%, 50% 85% or 300% SA ISANG BUWAN? Unless may factory ka ng shabu, may pasugalan ka at ibang illegal na gawain.
Pwera na lang kung 24 karat solid gold ang lumalabas tuwing ipa flush mo ang unidoro mo.
Mga kababayan at kalapitbahay, kung ganyan kadaling kumita ang pera, eh di dapat lahat tayo ay mayaman na. Wala nang mag si-zero interest. Wala nang mag-e-empleyo, magwo-worry sa pambayad sa utang. Hindi na ako magtitinda ng kotse na napaka baba ng tubo kung merong matitira pag-hingi ng discount ng customer. Eh di dapat hindi nasisira ang mood ko mabanggit lang ang pangalan ng Meralco?
At saan naman daw nakuha ang paniniwala na ang pera ay magta-tatlong doble sa isang buwan. Susmaryosep!
Tatlong doble ang problema mo dahil nag-disappear ang pera mo. Yun lang yun.
Basahing mabuti ang babala galing sa DTI (Department of Trade and Industry):