Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
ROTC - Oh My Buhay

I was watching the news about the government’s plan to revive the ROTC.

I was in third or fourth year high school when the Junior Reserve Training Corps was implemented. It was called a different name, not ROTC. Oh it was called C A T.

Every Saturday morning, I would wear my green fatigue uniform and walk to school in my black leather boy’s shoes. We stand and march around the quadrangle until our skins burn. Umitim ako talaga.
Without any exaggeration, it took my skin two years to go back to its natural skin tone.

The officers of each battalion felt so powerful. Some of them started strutting around with amuyungs. Mga alalay na parang mga utu-uto. Tiga bili ng yosi, tiga kuha ng tubig, tiga suklay, tiga punas ng pwet. I think the officers went thru some kind of initiation rituals before they were bestowed with that stature and power. Feel na feel naman nila. Eto talaga yung taas noo. Pag nasasalubong ko sila sa corridor, halos madapa sila sa taas ng noo. Nanunutsot pa. Pssst. Pssst. Annie Passst. Eh nuon, kahit sa Binangonan kami nakatira, medyo may pagka suplada na ako. Wala lang, pag tinatawag ako nung officer. Ano? Uutusan nya akong kumuha ng tubig? Excuse me. Mama ko lang, papa ko lang at mga kuya ko lang ang pwedeng mag-utos sa akin na kumuha ng inumin. Sa bahay nga namin nagagalit ang mama ko pag-inuutusan ko yung mga katulong na kumuha ng inumin ko. “Ikaw ang kumuha, para kang senyorita!”

Pagnag-uumpukan sila sa quadrangle, ang daming mga bulung-bulungan. Narinig ko yung isang nag-attend ng initiation eh piniringan nila at dinala sa toilet, pinahimuran daw yung toilet bowl. Ang dumi pa naman ng toilet bowl sa eskwelahan namin. Hindi ko nga gagawin yun, mapapagod ang dila ko. Ang laki ng toilet bowl ano? Sorbetes lang ang kaya kong himuran at tsaka ano. (secret). Meron pa daw , dinuran nung officer yung isang basong tubig, tapos ipinainum dun sa nag-i-initiation. Grabe. Pero nung nakapasa naman sila, eh power to the people ang feeling nila. Meron silang bond, brotherhood or sisterhood. Eh trip nila yun. Kanya-kanya ng trip. Ako nun, ang trip ko, titingala sa langit at mangangarap na mag-a-around the world. Hindi ko trip na maging bida o officer. Meron akong sarili kong mundo.

Kung i-rerevive nila ang ROTC ngayon, sana wag maging abusado yung mga officers. At sana wala na yung inititiation rites. Kawawa naman ang mga estudyante, mahirap himuran ang unidoro. If initiation is an integral part of the training, they should make it more family friendly such as jack stones, tumbang preso, chili eating contest, palayok, pahabaan ng ano, etc.

My mom was so disappointed during my JROTC days because I still go to school even on weekends and sometimes, pag merong school activity, we were required to go on Sunday mornings. My mom was an old school, dapat ang aral lunes hanggang byernes lang. At hindi dapat maraming homework kasi dapat pag-uwi ko, kailangan kong tumulong sa gawain sa loob ng bahay. Kahit marami ang mga katulong namin sa bahay, dapat matuto akong magluto, maglinis, maghugas ng pinggan, maglaba. Eh sabado dapat laundry day. Wala ako, nadun, nagmamarcha sa init ng araw. Sabi ng papa ko, wala naman daw kawawakan ang mga marcha marcha na yan.

Share

Related Posts