Pagnatigil ang kotse mo sa stoplight sa kanto ng Ortigas Avenue at EDSA, naku, puputaktihin ka ng mga sampaguita vendors at manlilimos.
Ang galing ng mga bata na magpa guilty conscience. Ang strategy nila ay makunsensya ka kung hindi ka bumili. Kaya bibili ka talaga.
“Sige na mam, pang kain lang”.
“Sige na mam, beinte pesos lang, pang-aral ko sa eskwela”.
“Baon lang mam”.
“Maawa na kayo, pambili lang ng pagkain”.
Paghindi ka bumili, sasama ang pakiramdam mo. Talagang guguluhin ka ng kunsensya mo. You would feel you’re a very bad person, insensitive, walang puso at kaluluwa. Parang masusunog ang kaluluwa mo sa impyerno dahil hindi ka bumili ng sampaguita.
Sige na nga, makabili na. Gusto kong pumunta sa langit. Pero huwag muna ngayon, sa 2045 na lang kung pwede po.
Ask ko lang Ms. Annie. Curious lang.. Magkano po yung ganyan ngayon? isang “kwintas” lang po yan?
Twenty pesos. Maliit lang yan sa actual
Oh. Na-curious lang ako Ms. Annie kasi ibang iba ang sampaguita na binebenta dito sa amin. Sa province.. considering na dito mas maraming flowers, siguro mga 6 flower buds lang na tinusok horizontally (siguro to cover more space) PER kwintas. Mga 3 kwintas for 10 pesos yata. Ang lungkot tingnan. Parang masabi lang na “merong” sampaguita yung tindA nila. And yung modus nila pareho. Yung konsensya mo ang target. Hehe.. Pero.syempre may genuine “awa” ka din na mararamdaman. Hindi din kasi madali ang magtinda ng sampaguita sa kalye. And delikado pa. Hindi mo pa sigurado if they keep the money or they give them to somebody else,
Worse.. Sa sindikato. Hay.. GodBless the Philippines. 🙂