Edmund and I were watching the nightly news when they showed the video clip of the now infamous sipol of Pres. Duterte to a lady journalist named Mariz Umali.

Duterte belongs to a different generation. Nung kapanahunan nya, iba ang style ng mga tao. Maraming nagbago na sa higit 50 taon lumipas. Nuon, men give-up their seats for women. Ngayon bahala ka sa buhay mo kung matalintaw ka, “Alam naman na puno na itong bus eh sasakay pa”.
Whistling then was construed as an expression of admiration. Para bang “Wow ang ganda mo”.
It’s more like the WOW! in today’s generation. Hindi naman pwede na “Wow, wow, wow”, para naman silang asong kakahul-kahol.

Nuon, pagsinipulan, flattering, ikukurap pa nung ale yung mga mata nya, ngingiti ng konti. Ngayon sumipol ka nga o kumahol ka ng wow wow wow. Hindi ngiti ang igaganti sayo ng babae kundi “ULOL!”

Nung araw usong-uso yang sipol, naku lalo na sa Binangonan. Ordinaryo lang na tuwing maglalakad ang babae sa kabilang kanto, merong sisipol. Pag natayo ka lang ng ilang minuto sa bangketa, tweeeet tweeeet ang aabutin mo. Pag merong dumaan na bus na merong mga lalaki, ang mga nguso nila, reding-redi, tweeet tweeet! Para bang bago lang nakakita ng babae.

Tila ngayon hindi na uso catcalls, wolf whistles. Wala ng sumisipol ngayon. Sexual harassment na ang tawag. The new protocol now is that whistling is considered NOT a compliment and could be taken as rude, offensive, disrespectful.

Eh nung araw, pag merong sumipol, kilig na kilig yung mga matandang dalaga. Lalo pang ikekendeng ang bewang. Lalo na kung mga matipuno at simpatico yung mga sumisipol, a la Rogelio dela Rosa at Eddie Garcia.
Try watching old romantic movies, filmed in the 60s, 70s, you’ll notice there’s always whistling.

Uso rin nun yung kunwari malalaglag ang panyolito nung babae. Dadamputin nung lalaki at hahabulin yung girl. “Magandang binibini, mawalang galang na, nalaglag ho ang inyong panyolito”.

woman dropping handkerchief (getty images)

Iba na ang panahon ngayon. Sige nga maglaglag ka nga ng panyo mo para mapansin ka. Ewan ko lang kung merong lalaki na aanga-anga at magkamaling dumampot. Sabihin ng mga lalaki merong sipon pa yan. Kung meron mang mabait na nakakita na nalaglag ang panyo mo, sisigaw lang yun. “Manang, manang, nalaglag panyo mo, paki dampot nga! Ano ba yan, dito ka pa magkakalat ng virus”.

Share

Related Posts

4 thoughts on “Sipol at Sipon

  1. Hello, hope you don’t mind. I guess tama po kayo, noong panahon or in movies sumipol sa babae here sa Pilipinas was not offensive….but thats not because it was never offensive. It has always been rude to do that. Yung tipong “hoy miss…ang ganda mo naman” or “pssstt…miss sexy…(sipol)” Pero nung panahon, siguro depende rin which era. ang mga babaeng Pilpina, natutuwa or di na lang pinapansin. That made it the norm back then. But that never made it right or okay. It’s just how people dealt with it. Naisip ko rin, malaking factor ang upbringing kasi I grew up in the 90’s but malaki yung influence nung conservative side ng lola ko and from a young age, I knew binastos ka kung ganun ang pagkaka admire sayo ng opposite sex kasi there is a decent way to admire. Yung ganun ba. Pero totoo ka about the panyo or anything na nahulog, bahala ka mamulot dyan. But I observe that sa pinoys dito sa atin. Thats why I tell my friends who have sons, teach them to be true gentlemen kasi konti na lang ang ganun dito.

  2. You are right Pauline, nung araw kasi hinahayaan na lang, Naging parang bad habit but it’s not really okay.
    It’s disrespectful.

Comments are closed.