Our female household helpers do not like each other.  They’ve been having close encounters the past two weeks.   Sumbungan ng sumbungan.   Vicky, the laundry woman is the contra-pelo of Cherry.   Twice I met with all of them and each has a different version and all of them resorted to finger-pointing.   What they fight about actually are very petty.

P1120039

Sumbong ni Cherry #1

Mam, nawawala yung pack tape, ipinahiram ni Vicky dyan sa tapat-bahay.

Me——  At bakit naman sila dito sa atin hihiram ng packaging tape?

Ewan mam, bigla na lang nawala yung  tape, nakita ko yun nung isang beses, ngayon wala na.

Me——  Vicky,  ipinahiram mo ba sa boy dyan sa tapat yung tape dito?

Vicky—  Hindi Mam

Sumbong ni Cherry #2

Mam, nawawala yung plais ni Sir, dito lang yun sa kusina, ginagamit ko paggupit ng isda, biglang nawala.
Baka hanapin ni Sir.

Me—— hanapin po, tanungin mo sila pati yung mga drivers kung hiniram nila.

Baka ibinigay dun sa boy dyan.

Me—— tanungin mo si Vicky kung ibinigay nya sa boy dyan.

Sumbong ni Cherry #3

Mam, naubos yung cooking oil eh sila lang naman ang nakita ko sa kusina

Me—— “Eh baka ginamit nila siguro nagprito”

Hindi Mam, hindi naman sila nagluto.  Eh puno yun tapos ngayon ubos na.

Me—— “Cherry anong gusto mong sabihin,  inumit nila yung cooking oil?  Saan naman nila itatago,  Ibinigay nila sa kalapit bahay o ininom nila?”

Sumbong ni Cherry #4

Mam, si Vicky sinulatan ng “I love you Pol”  yung papaya,  kaya nabulok.

Me——– ” hayaan mo, pumitas ka ng iba”

Hindi mam, kasi lahat pinuno nya ng  sulat, puro I love you Pol.  Wala akong maitinola.

Sumbong ni Cherry #5

Mam, nawawala yung isang hikaw ko hindi ko na makita.  Kinakabahan ako.

Me——-   “hanapin mo, baka nalaglag”.

Hinanap ko na pero wala, dun lang naman bumagsak,  bakit mawawala.

Me——-  Cherry, mahirap magbintang kung hindi mo naman siguradong si Vicky ang kumuha.  Hanapin mo uli sa lahat ng nilakaran mo.    Ano ba yun?

Ginto mam, binili ko sa Cavite.

Sumbong ni Cherry #6

Mam, laging nagse-celphone si Vicky, hindi nagta trabaho, lagi dyan sa labas.

at narinig ko ang lakas ng boses, kausap nya yung anak nya sa probinsya, ang sabi nya

“pag na pangasawa ako ng amo ko, makaka punta na kayo rito”.

OH O……….

Share

Related Posts

2 thoughts on “Sumbong ni Cherry

Comments are closed.