Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
House number 2 - Oh My Buhay

1. With driver, inside Valle Verde 6 while looking for my friend’s house:
A———— Kumaliwa ka dyan, number 2.
Driver——- Mam ito, number 5.
A———— Hindi yan Number 2.
Driver——- Mam baka sila rin ang may-ari nito.
A———— Hanapin mo number 2.
Driver——- Eto number 7, baka sila rin kaya ang may ari nito?
A———— Ang sabi number two bakit kung anu-ano ang itinuturo mo? Lampas na tayo, bumalik ka.
Driver——- Mam, eto, number 14 baka kanya rin itong bahay?
A———— SINABING NUMBER TWO! BAKIT ANG KULIT MO? SILA BA ANG MAY-ARI NG BUONG VILLAGE? NAKAKA INIT KA NG ULO!

2. At the Art Gallery 1
Woman——– Mam, i-try mo ito si Max Adlao, maganda ang mga works nya.
A———— Tingnan…. maganda. Pero hindi ako familiar sa kanya. Ilang taon na sya?
Woman——– Patay na.
A———— Ilang taon sya nung namatay?
Woman——– Mga ilang taon na rin. Bago pa lang mam. Patay na mam.

3. Art Gallery 2:
A———— Hi, titingin lang ako.
Owner——– Sige mam. Meron kaming Racuya, ang mura lang mam, ibigay ko sayo ng P350,000.
A———— Naku, naghahanap lang ako ng mura na gift para sa anak kong lalaki.
Owner——– Ay, bagay na bagay mam, eto kay William Yu, mother and daughter.
A———— Lalaki ang bibigyan ko. Magkano yang size na ganyan.
Owner——– Nasa libro na yan mam.
A———– How much?
Owner——- Fifty five thousand.
A———– Ha? P25,000 lang yung ganitong size ah.
Owner——- Sige mam, ipareho ko na rin presyo.

4. Gallery 3

A———— Hi, titingin lang ako.
Owner——– Sige tingin ka mam. Nakabili ka na ba sa amin dati?
A———— Hindi pa. Ngayon lang ako nagawi dito. Naghahanap lang ako ng Xmas gift for my son.
Owner——– Eto mam, kay Racuya, flowers. Mahilig ba sa flowers ang anak mo?
A———— Lalaki ang anak na bibigyan ko. Magkano yang water lilies?
Owner——– Forty thousand na lang mam. Luma na yan.
A———— Mahal pala, ang liit lang.
Owner——– Twenty five thousand ibigay ko sayo.
A———— Mahal pa rin.
Owner——- Sige mam, tumawad ka, titingnan ko, anyway, luma ko ng painting yan, akin na yan hindi consignment. Try me.

5. Calling our cook
A———— Anong ginagawa mo?
Mylene——- Dito lang.
A———— Anong ginagawa mo?
Mylene——- Nadito lang ako mam.
(She couldn’t tell me she’s watching tv all day.)

6. At the bank:
A————- Miss, pwede ba yung puro bagong bills?
Teller——– Oo mam, anong gusto mo? Twenties, Fifties?
A————- Kahit ano basta puro bago. Yung hindi pa gamit.
Teller——– Sige mam.
After one minute…
Teller——— Mam, eto na oh kaya lang luma.
A————- Yung bago.
Teller——– Sige mam, pwede mga luma?

Share

Related Posts