I never expected to write another sympathy card this week. This’ the third.

Tila dami yatang patay ngayon. Fully booked daw ang mga memorial chapels. Ano kaya magtayo ako ng St. Annie’s Chapels? Pero takot ako sa patay pa’no ko gagawin yun? Sabi ng papa ko, matakot tayo sa buhay hindi sa patay. Wala ng pwedeng gawin yung patay, pero yung mga buhay, mga salbahe. In the first place, why are we afraid of dead people? You know why? kasi nung maliit tayo, tinatakot tayo lagi, “hayan na ang patay, kakagatin ka”. Paano tayo kakagatin ng patay, kasi we watch too many zombie movies. In those movies, the dead go around scaring and biting people. We’ve also seen too many Tagalog movies. Yung si Palito nakahiga sa loob ng kabaong tapos biglang tatayo at tatakutin ang mga tao. Takbuhan na! Ayun kaya ang duwag-duwag ko, takot akong tumingin sa kabaong. Kaya hindi ako pwedeng magnegosyo ng memorial chapels. Sayang, there’s big earning potential. Di ba sabi ni Mayor Duterte, magnegosyo ng kabaong dahil marami ngang mamamatay?

This card is for Ka Tessie, the widow of Ka Peping Vital who passed away on September 20. It was my sister who informed me. Malou and I went to the wake in Angono pero nauna pa kami sa patay. Wala pa si Ka Peping, siguro daw binibihisan pa o kaya maraming patay na inaayusan o baka na-traffic. I decided to leave at 9:20 pm. I was not able to give my sympathy card and abuloy. I’ll try to go back tomorrow. Sa martes daw ang libing.

sympathy card for Ka Tessie

Share

Related Posts