Bakit kaya pati yung unli rice ng mga restaurants ay pakikialaman ng mga pulitiko? Sana iba na lang ang pag-ubusan nila ng isip at oras. Kontra mahihirap yata yang panukalang yan. Alam naman natin na malakas tayo sa kanin.

Nung araw, marami sa Binangonan ang pumupunta sa bahay namin pag-oras na ng hapunan. Madalas mga alas sais ng gabi. Tatayu-tayo sa may pinto, sisilip-silip. Mapapansin na lang ng mama o papa ko na merong tao. Yung pala buong araw hindi pa kumain ang pamilya nila dahil walang bigas. Ulam? Wala silang ulam. Un-ulam. Toyo o binudbod na asin lang ang ulam nila. So ang mama o papa, tatakal dun sa malaking drum na lagayan namin ng bigas at bibigyan kung sino man yung lumalapit at nagugutom.

Ang kumain ng kanin ay heaven na sa ating mga nakararaming Pilipino. Sanay tayo sa kanin, at ika nga ng iba, basta masarap ang kanin, kahit walang ulam, pwede na.

Napansin nyo ba yung mga restaurant tulad ng Jollibee, Chowking, etc, ang konti na ng sukat ng kanin. Halos flat na nga sa kauntian. Yung unli rice na promo nila ay malaking bagay sa ordinaryong parokyano.
Kung gusto nilang magpaka-bundat sa kanin at sahog na toyo, problema na nila yun, wag na natin silang pakialaman. Kung tumaba sila at mabundat tulad ng tyan ko, bahala na sila sa buhay nila. Hindi naman sila nagtatakal ng kanin tulad ng mga diet conscious. Wag nyo silang pigilan at pakialaman.

Ang pakialaman nyo na lang ay kung paano nyo maiaayos ang serbisyong publiko tulad ng MRT, pasuray-suray na bus, bangag na mga tsuper, karag-karag na truck sa kalye, maduming kanal, sali-salimuot na kawad ng kuryente, kable ng telepono at telebisyon. Kesa yung unli rice ang pinagtutuunan nyo ng pansin, mag-ikot kayo sa inyong bayan at baklasin ang mga parte ng bahay na nakasakop sa kalye, bangketa at lampas sa minimum set-backs. Maglagay rin ng mga toilet na maayos at malinis sa mga pampublikong paaralan, palengke, etc.

Marami kayong trabahong dapat pag-ukulan ng pansin, wag na yung unli rice.

Share

Related Posts

5 thoughts on “Unli Rice Un-ulam

  1. Hi, Ms. Annie. Agree. Although, occasionally, I eat rice after starvation or if it’s cheat day. Masaya ang mga tao pag busog sa kanin. Bakit nila gugutumin at hindi pasayahin? Dapat pag may kinuha mayroon ipapalit na katumbas o mas higit pa.

    Hindi ko iboboto ang mga pangalan ng responsable sa panukalang iyan. Sa tingin ko gusto nilang palitan ang ating importation ng bigas. In reality, we are a rice importer country. Is Russia going to supply wheat? Masaya ba lahat kumain ng wheat bread? Pera talaga ang motivation ng mga nagpanukala nito. Gusto ng mga ito magkapera mula doon sa mga foreigners na gusto pumasok sa atin at palitan ang nakasanayan natin kainin. Pag nagkaganun, magmamahal ang presyo ng bigas dahil magiging novelty na ito.

    1. Dear Joey, Mahirap palitan ang nakasananayan natin na kumain ng kanin. Daang taon ang bibilangin, Papalitan naman natin ng tinapay o pasta. Tapos sasabihin nila, konti lang ang tinapay o pasta na kainin natin kasi pampataba rin. Gusto lang nilang mag-diet.

  2. Quoting a comment in one of the blogs i followed,

    “Kung gusto nya mag diet, wag nya kami idamay!!”

    Wahahahahaha, ang lakas ng tawa ko!

    And for the record hindi ko sya binoto! Lol

  3. malaking tsek ms. annie. Sabihin na nila na hindi naman gagawin batas pero the fact na sumagi sa isip ni yan unli rice promo, ibig sabihin gusto nilang pakialaman yun.Ganyan ata talaga mga politiko sa atin e, ang daming pwedeng ayusin na problema pero yung maliliit na isyu ang pinakikialaman. diba dapat nga ma guilty sya , kasi maraming agricultural lands ang ginawang subdivision ng pamilya nila?!.

    1. Tutoo. Ang mayayaman kasi hindi nila alam na mas mahal ang vegetable diet kesa kumain ng kanin. Dapat daw puro gulay ang kainin kesa damihan ang kanin. Tamam yan pero sa ordinaryong tao, napakamahal ng gulay.

      Napakaraming problema ng bansa. Yung pagda-diet ay hayaan na natin ang mamamayan ang magdesisyon para sa buhay nila. Kung gusto nilang tumaba, bahala sila.

Comments are closed.