Yung name ko walang dating. Hindi pwedeng pang-James Bond.
When people greet me, they just say “mam”. Good evening mam, hello mam, hi mam sir, puro mam. It’s so generic. OMB yes that’s me. But for people who don’t read my blog or those who don’t know I have a blog, they still address me as “mam”. There are at least 3 billion mams in the world. It doesn’t distinguish me from the rest.
I want to have a distinction. I want to put some pizzas on it.
My name is cute, pambata, it makes me forever young, but since I am past my puberty, I want to jazz it up a little bit. Yung bagay sa edad ko and stature. Anong staChur? Eh di opposite ng stachu.

Our old timers in the office call me Boss Ann. But the new generation employees call me Mam. Mam ACTY, Mam Annie. Mam An. I have no problem with them calling me with any of those variations kasi kilala naman talaga nila ako. They know who I am (will I am).

Sa Binangonan ang tawag sa matanda merong KA. Ka Chayong, Ka Tessie.
Ka Felicing. It’s not a name but it adds dignity to the name. Meron respeto. It connotes you are respected. Mam Annie, generic nga, hindi ko type. Lahat na ng tao tinatawag ng mam.

My workers at the minifarm-to-be call me madame. Para naman akong si Madam Auring. Tingnan ko nga guhit ng mga palad nyo.

The Mexican gardener and workers in the US calls me senyora. Senyora Annie.
Yun, cute yon, kasi they pronounce my name differently. The accent is on the i. Same accent as in mani (peanuts), just remove the m. Senyora (M)ani. Pag nasa tate okay lang yun. Dito kung tawagin akong senyora, baka mapagkamalan naman tayong milyonarya parang si Donya Buding. Hindi bagay tawaging senyora ang nagsa-shopping sa Ross, Marshall’s and TJ Max.

Ka Annie. No, ayaw ko, hindi bagay.
At hindi na uso ngayon ang merong KA. Mga NPA na lang ang gumagamit ng KA. Ka Manuel, Ka Roger, Ka Nardo. Mapagkamalan pa ako ng military na radicalized na.

Ano kaya gagawin ko sa Annie. Para kasing pangalan ng baby. Pambata eh gurang na ako. Ang ikli naman kasi.

Ano kaya? Isip isip…..

Kang Annie X Pang matanda
(Capt) Annie or Kap Annie X Parang barangay captain
Annie Sen X Yan ang tawag kay Tito Sotto kasi senator sya, Tito Sen. Saka na pag senator na ako.

Annie San X Parang mama san, parang akong bugaw.

Ehhh I’m tired, wala akong maisip.

Captain Annie C. Tan-Yee

Share

Related Posts