Marami sa mga tiga Binangonan ang nagpunta sa akin at nagdrama, umiyak-iyak at kailangan ng pera sa tindahan nga bigas, isda, karne, gulay, prutas, uling sa palengke, mga bakla na may beauty parlor daw, mga misis na meron daw patahian ng mga t-shirts, may carinderia, bakla na may lugawan, dentista sa Calumpang na kailangan ng pera pampaayos ng kanyang dental clinic, pang expand daw ng water refilling station, mga gamit para makapag-hatid ng inuming tubig sa mga barrio, makapagtinda ng bigas, pambili ng bagong computer para mas lumago pa ang kanilang computer shop, puhunan para sa lumber and hardware, barangay kapitan na puhunan daw para sa gravel and sand, puhunan para paggawa ng hallow blocks at kung anu-ano pang kasinungalingan. Yun pala, ang mga tunay na balak ay lokohin ako. Kunan ng pera at kalimutan na ang obligasyon nila.
Marami sa Binangonan na niloko rin ang magulang ko. Humiram sila ng pera, pambili daw ng bigas, pang matrikula at pagkatapos ay mga hindi na nagpakita. Ni hindi marunong magbigay galang at humingi ng dispensa. Magaling mga mang-uto.
Nakakatawa dahil hindi pa ako natuto. Akala ko ibang henerasyon na ngayon, na akala ko mga edukado na. Yun pala ganun pa rin ang takbo ng isip nila. Kumuha ng pera, kasi mas madaling manloko kesa magtrabaho ng marangal. Kaya siguro hangga ngayon ganun pa rin ang mga buhay nila.
Merong nangutang sa akin para pala,pang casino sa Thunderbird sa Eastridge. Yung pera ipinamili ng mga bag, sapatos at make-up. Mga bakla na kunwari ay may beauty parlor yun pala mga manloloko ng kapwa.
Joel, K tin, Marivic, d Castillo, Lirio, Geronimo, Nena, Imee, Flor, Delia, Z, L.C., Arlene, B.A., etc.
Magtrabaho kayo ng tapat at matino. Magsikap sa mabuting paraan. Habang buhay kayong maghihirap kung manloloko kayo. Sa halip na magsikap kumita ng pera sa mabuting paraan, magaling kayong mag-isip para manloko ng tao. Pagsamantalahan ang kabaitan at pang-unawa sa inyo. Ako ay nagmagandalang loob na tulungan kayo.