Author: Tita Puring
Comment:
i find the question unfair, annie. it is like passing the buck.

the church in all her faults and imperfections has what we call catholic social teachings on justice, restitution and reformation. your daughter should know, she is a product of fine Jesuit education.

ikaw nga 80% ng blogs mo puro reklamo. so kasalanan din ng simbahan to na reklamadora ka?

iba ka din.

eh kung sisihin ko mga katulad nyong mga car dealers na walang control sa supply and demand para kumita lang? aminin, isa kayo sa cause ng traffic.

————————————————————————————–
My reply:

Dear Puring,

Thanks for your comments.
1. Catholic teachings—- I posed a question. I did not pass judgment.
2. Reklamadora— that’s true, that’s my nature. No one to blame but my own life, that’s why the title of my blog is Oh My Buhay.
3. Iba ako — that’s also true. I am one unique individual. Matagal ko ng napansin, bata pa ako.
4. Car dealer—- there’s a lot that goes into being a car dealer that buyers don’t know and will never know unless they become one. I will not argue with you.
5. “Walang control sa supply and demand”—– Supply and demand are dictated by the market movements and the economy, not by the car dealers.

Kung ang ibig mong sabihin ay kontrolin namin na magbenta ng sasakyan, eh saan kami kukuha ng pambayad ng renta, tubig, kuryente, internet, at iba pa. Ang mga empleyado ay nangangilangan din ng pera pang sustento sa pamilya nila, sa tulong sa magulang nila. Pambayad sa teachers ng mga anak nila, etc. The velocity of money continues.

6. “para kumita lang?” —– If our sole desire is to just keep on earning money, we will not choose to become a car dealer. We will probably do something else where earning big money could be easier. We will go into construction or real estate, or mining, or casino operation where the profit margin is greater.

We all need money for whatever purpose, you and I are no different. Mere answering your comment already consumes electricity, and it’s not free. I need some money to pay for electricity, just like you.
7. “Isa kayo sa cause ng traffic”—- Dumadami ang tao, dumadami ang nangangailangan ng sasakyan. Kulang ang kalye, kulang ang lugar na pwede tayong pumarada, maraming rason, hindi lang ang car dealers.

8. “aminin isa kami sa cause ng traffic” —- Isa rin kami bakit maraming pamilya ang nakakapasyal sa Tagaytay na sama-sama at comfortable sa byahe nila. Isa rin kami sa dahilan bakit tuwing umaga, libu-libong mga magulang ang naihahatid ang mga anak nila sa eskwela. Isa rin kami sa dahilan kung bakit ang mga magulang ng OFW ay nakakaranas ng maginhawang lakad at hindi kailangang maghintay ng oras-oras para pumunta sa kanilang paroroonan. Isa rin kami sa dahilan bakit ang mga pari ay nakaka punta sa kanilang mga parokya. Maraming kailangan tanggapin at aminin.

Share

Related Posts

2 thoughts on “Puring

  1. No… This is about inggit.

    Annie glorifies God most of all. To glorify God is number one of her priorites.

    Our true purpose on Earth is to glorify God. That is the reason why we are created. For whatever God gets from that is beyond our knowledge.

    Whatever Annie has is all for God’s glory. Those who do not put God first in their lives fall out of His grace.

    Just put God first at kahIt hindi rayo perfecto bilang tao, magaan at mahinhawa ang buhay kahit papaano.

Comments are closed.