Halos lahat ng kandidato pagka-pangulo, ang pangako ay ang pagbabago ng ating bansa. Yan kasi ang paniwala na ang kailangan natin ay malaking pagbabago. Naka sentro ito sa krimen. Na wala nga daw tayong disiplina kaya ang kailangan natin ay isang tirador na presidente.
Sa ating mga Pilipino, kahit sino man ang manalo, wag nating iasa sa susunod na pangulo lahat ng pagbabago. Bukas pwede na tayong magbago. Baguhin na natin ang ating mga maling gawain. Huwag na nating intayin ang Mayo. O tamang-tama bagong taon na. Maglista na tayo ng babaguhin natin sa ating sarili.
Pag-i-ta-type ko lahat dito ang mga dapat nating gawin para mapabuti ang ating bansa, aabutin ako ng susunod na pasko.
Eto na lang ang ilan kong mungkahi. Dagdagan nyo na lang.
1. Itigil na ang paggamit ng shabu. Cocaine na lang. Joke lang.
Dumarami ang rape, crime, road accidents because most of the perpetrators are high on shabu, and other illegal drugs.
2. Magsipag sa trabaho. Huwag trabahong pakitang tao. Magkameron ng tutoong malasakit sa trabaho.
3. Sumunod sa traffic lights. sundin ang guhit ng kalye, wag palipat-lipat ng lanes, wag reckless driver.
4. Habaan ang pasensya pagnagma-maneho. Gitgitan talaga ang libong sasaskyan. Talagang hindi malayong magka-gasgasan ng tagiliran at banggaan. Wag lamang may masaktan. Ang mga gasgas ay pwedeng ayusin. Ang mga nasira ay pwedeng palitan, magastos at malaking abala pero mas mabuti na yan kesa mabaril ka o ikaw ang maka baril dahil lamang sa kalsada. Mas importante ang respeto sa kapwa at sarili. at kaligtasan nating lahat.
5. Ang ating mga taong gobyerno lalo na ang mga politico, bawasan ang self-propaganda. Baklasin ang mga tarpaulin na may happy birthday sa inyo. Lalo na ngayon pasko, ang dami na namang sabit sa kalye puro Christmas greetings. Huwag masyadong kapalmoks.
6. Bawasan ang kurakotations.
7. Yung mga kalye natin, puno ng mga tindero sa bangketa, hindi makadaan ang mga sasakyan. Walang malakaran ang mamamayan.
Sa mga local government, mag-ikot naman kayo. Ang dami nyong dapat ayusin sa inyong mga nasasakuan pero hindi nyo ginagawa.
8. Yung mga munisipyo, ipatupad naman ang tamang sukat ng bangketa at set backs. Wag payagan yung mga bahay na sakupin yung mga harap na kalye at bangketa. Yung mga balkonahe nila sa second floor, tingnan nyo, nalakawit sa kalye. Ipatupad naman yung tamang set backs para hindi mukhang squatter lahat ng lugar na puntahan natin. Para maayos ang ating paligid.
9. Yung mga road expansions, ginagawang paradahan ng tricycle at personal na sasakyan nung mga bahay na nakaharap sa kalye. Makitid na ang kalye, kaya isiksik sa bakod nyo ang inyong sasakyan. Maglagay ng garahe sa silong para hindi sa kalye ihaharang yung sasakyan.
10. Huwag matulog sa gitna ng kalsada, baka kayo masagasaan.
11. Huwag umihi, dumumi, dumura, sa publikong lansangan.
12. Huwag manira ng kapwa at reputasyon ng ibang tao.
marami pang susunod…
Hi An. My Christmas wish to you and yours:
May you be slapped by Duterte blessings..may all your troubles be disqualified like Poe..may illness lag behind and never catch up with you like Mar’s campaign…may happiness hound you like Binay’s corruption charges…
and may bad luck be snatched from you like the crown from Miss Colombia…Merry Christmas!
Hi Atty. Your Christmas wishes are too intense. I want blessings to shower upon me from above, not from Duterte’s hands. My face is too soft for his tough fist. I want happiness to be proven beyond reasonable doubt, not just to hound me. Hounding means they are not here yet, just looming. I want to be happy all day and all night. (lol).
To be first runner up in Miss Universe is not bad luck. It’s something to be proud of.
Merry Christmas to you and Mildred.
Your list would make a perfect platform of government for a person running for public office. Simple reforms with maximum results. If only our political candidates would truly take to heart the saying “service for others”, then our country would be a better place.
Merry Christmas to you and your family, Ms. Annie! God bless you always!!
Hi Cecile,
When you have a schedule to Manila, let me know a few days in advance. I would like to invite you over. Merry Christmas.
Bawal sumimangot ang mga government employees. Hindi dapat parang utang na loob natin sa kanila pag pinagsisilbihan nila tayo. Not fair for people paying their taxes na pinangsu-sweldo naman sa kanila.