Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Binabato ang bubong nila ng durog na kandila - Oh My Buhay

Binabato ang bubong nila ng durog na kandila

Message from Richard Cartilla

Meron po naghahagis ng durog na kandilang itim sa bubong namin yung kapitbahay po namin. Me orasyon daw po yun sabi nung katabing bahay namin. Ano po ba ang pangontra dun? Salamat po.
—————————————————————————
Dear Richard,

Kung binabato ng kalapitbahay mo ang bubong nyo ng itim na kandila o kahit anong bagay, kunan mo ng litrato yung bubong nyo na makikita yung mga itim na kandila. Pumunta ka sa barangay at maghain ka ng reklamo at ipakita mo yung litrato para ebidensya. Ipapatawag yan ng barangay. Duon kayo mag-uusap sa barangay hall. Magdala ka ng walis tingting pagpunta mo sa meeting nyo. Tanungin mo ano ba ang ginagawa nya. Bakit nagtatapon sya ng durog na kandila sa bubong nyo. Wala ba kamo syang basurahan.

Una, huwag maniwala basta-basta sa sinasabi ng kalapitbahay mo tungkol sa orasyon.
Pangalawa, magdasal ka. Kung mabuti kang tao, wala kang ginagawang masama sa kapwa, malakas ang pananalig mo sa Diyos, yan ang alam ko na pangontra sa kahit sinong tao na masama ang iniisip tungkol sayo.
Pangatlo, muntik ko ng nalimutan, kung habang nag-uusap kayo sa barangay ay mayabang pa sya at barumbado sumagot, iwasiwas mo yung walis tingting sa harap nya. Sabihin mo ibinabalik mo sa kanya kung ano man ang mga itinapon nya sa bubong mo. Kung sya pa ang galit, hampasin mo na lang sya nung walis.

Share

Related Posts