Chipotle, Costco, Ikea, Marshalls,  Premium Outlets, In and Out,  then go back to Chipotle, Costco. That sums up our US schedule, every visit, every year.

Once in a while there’s variation.

Sunday is Costco day.
E———-“Ngayon pa tayo pupunta eh maraming tao”.
A——— “pag weekend maraming free tasting. At saka masaya rin pag maraming tao”.

Food tasting, Costco, June 21, 2015

A———“Tart, masarap yung smoked salmon, ikuha mo pa ako”.
E———“Bakit hindi ikaw ang kumuha?”
A———“Pilipina kasi yung nakatao, madali nya akong matandaan”.

Pagkita namin sa isang eskaparati ng crab, sabay pa kami “NAKAW!”
dungeness crab, Costco

E———-“Oh hindi ka ba bibili ng crab?”
A———-“Iniisip ko pa. Ang laki”.
E———-“Kumuha ka ng dalawa”.
A———-“Tigisa tayo? Magsasaing tayo”.
E———-“Pwede, hindi na, papakin na lang natin”.

A———-“Two please, give me the small ones”.
$7.99 a pound, one piece is almost two pounds.
two pieces crabs

We found a tray of turkey rolls in another section. Someone must have brought it there and ate several rolls. That’s so bad. Parang patay gutom. Meron naman libreng food tasting sana bumalik-balik na lang sya.
Turkey rolls,  Costco

E——–“Makakuha nga ng mga tuwalya para happy ang mga maids natin (giggle)”.

bath towels,  Costco

A few times I inquired in Manila re teeth whitening. two shades whiter daw pero it would come back when you drink coffee, colored drinks, or eat adobo, catsup, spaghetti, etc. That means bale wala.
This one kaya? 25 times better? Baka maputi na ang mata ko hindi pa pumuputi ipin ko.
teeth whitening strips

E———-“Ano yan?”
A———-“Tart, parang kailangan ko na talaga ng super strong na anti rengkol”.
E———-“Ilang taon na tayong gumagamit ng moisturizer, wala namang epek, ganun pa rin, wala yan”.

Olay moisturizer

Avocados, strawberries, cherries, bath towels, hand towels, face towels, quinoa, pomegranate juice, external hard drives, golf gloves, paper cups.
I was hoping the checker at the exit is not Filipina. Kasi pag nakita maraming pinamili at nakita ang resibo, “Buti pa kayo ang dami nyong pinamili”.
“Ipapadala yan sa ‘Pinas?” “Anong trabaho nyo sa atin?”
Costco cart

A small contribution to the US economy. I forgot to check if some items were made in China.
US economy contribution

I finished this one giant bottle of POM pomegranate juice in one day.

Share

Related Posts