1. Election na naman pala, ang daming commerical sa tv nung mga kandidato na mararaming pera. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi nila sa commercial nila. Kung anu-ano ang pangako. Nanay ko po. Hindi talaga ako pwedeng politiko kasi sobra akong organic, walang halong chemicals. Bilib ako sa kanila, Dyos mio.
2. Dami ring mga banderitas at tarpaulin sa kalsada. Linisin nyo yan pagkatapos na halalan ha? Huwag nyong hayaang mabulok na lang sa kalsada hanggang magkagula-gulanit. Kulektahin ninyo agad pagkatapos ng election day.
3. Kung anu-ano rin ang kanilang tag lines. Lahat gustong maging mahirap, pang masa. Nakakakilabot sila talaga.
4. Sana mga mayor, huwag nyo ng isama sa grupo nyo yung mga barangay kapitan na wala namang nagawang tama nung mga nakaraang taon. Ginagamit lang nila yang katungkulan sa sarili nilang benepisyo. Hindi naman talaga dahil sa gustong manilbihan sa bayan. Naku po, kawawa naman talaga ang bayan. Hindi naman lahat, pero Mayor, kilala nyo naman kung sino ang tinutukoy ko.
5. Huwag na rin nyong iboto kung pwede yung kilala naman nyong walang mabuting naidulot sa kapakanan ng bayan. Iba na lang ang mga iboto, at piliing mabuti. Huwag yung mga poporma-porma lang. Ginagawa lang nilang parang gatasan ang gobyerno.