Hindi solusyon ang mangkukulam

Good day po sir/mam,

naghahanap po kc ako ng mangkukulam…sobra sobra po sama ng loob ko po sa babaeng kinakasama ng Tatay ng anak ko po..gusto ko na po siyang mamatay. At bumalik na po Ang ama ng anak ko…nakikiusap p.o. ako sainyo sir/mam..hirap na po ako.. 5months plang baby namin..pls po… nawa po matulungan nyo p.o. ako… salamat po ng madame.\r\n\r\nFrom: Regin

Dear Regin,

Hindi solusyon ang mangkukulam sa problema mo. Una, wala akong kilalang mangkukulam. Yung nagpunta sa bahay namin ay manghihilot lang at hindi ako naniniwala na marunong syang manggamot o mangkulam.

Ang pagkulam ay paggawa ng masama. Mananakit ka ng tao.

Tungkol sa tatay ng anak mo na may ibang babae na kinakasama—
1. Bakit kung ikaw ang mahal nung tatay ng anak mo, ay ibang babae ang kasama nya sa bahay?
2. Bakit hindi ikaw ang kanyang kasama?
3. Ito bang babae na ito ay sya talagang tumatayong asawa nya?
4. Nung nakilala mo ba itong lalaki ay magkasama na sila nung babae?
5. Bakit ka nakipa-relasyon dun sa lalaki? Binata ba sya?
6. Bakit hinayaaan mong mabuntis ka ng hindi mo naman official na boyfriend at meron palang ibang ka-live-in yung lalaki?
7. Mukhang sex lang ang gusto nung lalaki sayo dahil kung tunay ka nyang mahal eh bakit hindi kayong dalawa ang magkasama?
8. Nakikipag-sex ka pa ba sa kanya? Palilipasan ka lang nyan, baka mabuntis ka na naman, madodoble ang problema mo.
9. Hindi ikaw ang kinakasama, ibig sabihin, ikaw ang lumalabas na kabit.
10. Kalimutan mo na yang lalaki na yan. Bata ka pa, merong lalaki na binata, walang kabit, walang asawa, walang kinakasama, na magugustuhan ka ng wagas igagalang at mamahalin ka at ang baby mo.

Magdasal ng taimtim at kalimutan ang mangkukulam. Sayang lang ang pera mong ibabayad.

#choosetobegood

Share

Related Posts