Pasensya na pero lately medyo mabilis akong mainis to those individuals asking for money. Siguro kasi marami akong iniisip. My fangs come out when someone sends his/her GCash together with a “request” for money. After one hour, follows up if I have sent to GCash. Wala pa daw kasi. “Annie, papasko nga, etong QR code ko”. ” Pwede rin GCash sa pamangkin ko.” “Wala pa? Kailangan ko talaga.” “Sana ngayon mo na – GCash.” “Anong oras mo kaya ma send?”
Have you experienced that too?
Almost everyday merong nanghihingi, solicit, nangungutang na wala naman talagang intensyon na magbayad. Hindi ako sister ni Sarah D. Wala po akong limpak-limpak na salapi.
Kung birthday nyo, huwag kayong magsolicit sa akin ng pang gift nyo sa sarili nyo, pang blow out. Kung birthday and you have no money, this is what I suggest that you do. Maligo, magbihis, pumunta sa simbahan, magpasalamat sa mga grasyang natatanggap, umuwi, at manood ng tv. Huwag nyo akong abalahin.
Kung nagbigay ako ng isang beses, huwag isipin na linggo-linggo ay magso-solicit kayo sa akin, yung anu-anong reason. Please understand that hindi lang isa ang nanghhingi sa akin, pinaghahati-hati ko lang ang budget ko. Hndi po ako mayor, congressman, gobernador, or senador. Hindi rin po ako contratista sa gobyerno.
I don’t have GCash, nakiki GCash ako sa staff ko, si Joralyn. Every month I give her a charity fund pero kulang, nag aabono pa sya.
Yung mga hingi ng hingi sa akin, please isipin din nyo, meron din iba na nangangailangan ng tulong, hindi lang kayo. Yung pera, sa iba ko naman ibibigay para makatulong rin ako sa iba.
What is surprising is that some affluent people also ask for financial help. O baka scam. Na hack lang ang FB account.
Some disappear after receiving the money and resurface after two weeks asking again.
Others are nice and appreciative.
To all who are having financial difficulties,
I sincerely wish that you will have more income in the near future.
Alam ko, mahirap talaga ang walang pera. I hope you will find a way to earn more income for you and your family. I hope you will have more so aside from your own needs, there will be extra money you can share to others who are also in need.
I wish 2026 will bring happiness and prosperity to every one.



