Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Mga Stress sa Lupa - Oh My Buhay

(Babala: Eto ay puro Tagalog.)

Kaming magkakapatid ay nakamana nang mga kapirasong lupa sa Wawa, Libis, Binangonan, Rizal.

Nakita ko kung paano nabili ng magulang ko at unti-unting hinulugan sa mga may-ari ang mga lupa. Hindi nila nakuha ng libre. Nagtrabaho sila ng marangal at buong TAPAT, SIPAG at TIYAGA na naghanap buhay para maipundar yun.

Sa kabutihang loob nila, hinayaan nila na tumira ang kanilang katiwala at mga pamilya nito. Taun-taon, ako pa ang nagkakagastos para bayaran ang amelyar. Bilang tulong sa kanila, naggawa ako ng mga deed of sale para opisyal na mapapunta na sa kanila ang registration. Deed of sale na wala naman akong tinanggap na bayad, wala naman akong na benepisyo. Gusto ko lang na mawala na rin ito sa intindihin ko at ayaw ko rin magpamana ng sakit ng ulo sa mga anak ko.

Nung nakaraang taon, merong pamilya na nagtayo ng kubo, nagtanim ng gulay, nagbakod na walang pahintulot. Ito ay sa 235 sqm na corner lot na ngayon ay commercial na ang value. Nung pinapaalis ng barangay, sila pa ang matapang at ginagamit na panangga na kakilala daw nila ang mister ko. Hindi naman gagawin ng mister ko na magbibigay ng pahintulot sa lupa sa Binangonan. Ilang beses silang pinakiusapan na umalis, hanggang naubos ang pasensya ko at napagsisigawan ko sa telepono yung manugang nila.

Ngayon naman, bago magpasko, binakuran nila yung kanilang lugay pero sinakop naman ang isang parte ng lote namin. Kung hindi naman talaga kukulo ang dugo mo.

Yung isang lote na ginagamit na basketbolan ng mga residente ay ibebenta ko na lang. Hindi sya sa akin. Ito ay pagmamay-ari ng magulang ko na ipinamana sa Kuya Romy, tapos binili ng Kuya Lito. Ako lang ang nagdedesisyon, dahil pinagkatiwala sa akin ng kuya ko. Ako rin ang nagbabayad ng amelyar. Dagdag stress sa akin at gaya ng sabi ko, ayokong mag-iwan ng dagdag stess kay Oyen.

Maraming bakod ang sumasakop sa kabilang lote. Ugali na ng mga Pilipino ay ganyan. Pagnagpapabakod, lumalampas sa guhit kasi wala namang nakatingin, Kung ito ay pagkakamali, pwedeng itama.

Meron din ako namana na nasa harap ng main road mga 900+ sqm. Ito ay lupa na binili ng magulang ko sa kamag-anak ng mama ko. Matagal ng panahon, nadiskobre ko na yung kalapit na apartment ay sumakop ng mga 60 sqm para daan nila. Ilang beses ko na sinulatan, tinawagan ang may-ari na kamag-anak rin namin, hindi ako pinansin. Hanggang nakamatayan na. Nung sinabi ko sa mga anak nya, wala rin silang aksyon. Dalawa lang naman ang pwedeng gawin, bilhin nila sa akin yung 60 metro kudrado or isoli nila sa akin, maggawa sila ng ibang daan nila.

Meron akong 471 sqm na nawawala. Sinakop nung nagtayo ng subdivision sa gilid. Ayokong ihablako yung dating may-ari. Naki-usap na hahanapin daw nila. Kinausap ko rin yung developer nung subdivision wala dan dun yung lote ko. Ayokong ma stress, pero nakakainis. Malabo ko ng makuha ang perang ibinayad ko at mga nagastos, at malabo run na mahanap yung lote.

Ilang taon na sobra akong stress sa isang lote. Hay naku, Grabe. Tumulong kami, pero eto ang napala namin. Ibinenta na sa amin, ibinenta pa ng ilang beses at isinanla gamit pekeng dokumento. Kasalanan ko rin, hindi ko akalain na ganun pala ang gagawin. Mahabang proseso at gastusin para maitama ko ang mga hindi tamang ginawa.

Yung naging kunsumisyon ko naman sa Tagaytay ay yung si Elena. Dati daw sya tigapangalaga nung lote nung unang may-ari.

Nung binigyan ko ng pera para makalipat sa ibang lugar, umalis lang sandali tapos bumalik uli at pinaayos pa ang bahay nya.
Naawa naman ako kaya ang sabi ko sa kanya, pwede syang tumira pero matapos ang isang taon, umalis na sya. Umabot na ng limang taon or lampas pa. Ilang beses ko sya binigyan ng sulat at sa tulong ng barangay, kinausap sya. Nanay ko po, inaaway pa nya yung Kapitan ng Barangay. Humingi na ako ng tulong sa dalawang konsehal at sa tulong nila, awa ng Dyos umalis na rin pero baka bukas nadun na naman. Bumalik sya at pinagtataga yung mga halaman. Ang tawag dyan ay walang utang na loob. Sa mahabang panahon, libre ang tirahan nya at nakapamuhay sya duon ng tahimik. Nalimutan nya na hindi sya ang may-ari. Sa halip na magpasalamat, inaway lahat ng tao at nilapastangan pa yung kapitan barangay na napaka ganda ng turing sa kanya.

Nakakalungkot pag inisip natin na maraming tao ang walang sariling lupa. Ang magulang ko ay hindi nangamkam ng hindi kanila. Nagsikap sila na makabili ng sarili nilang mga lupa. Kahit nga yung isinanla (mortgaged) na sa kanila at hindi binayaran, kahit mahigit 40- 50 taon hindi nila nirimata (foreclosed) dahil sobra silang mabait at mapagbigay (kind, generous, considerate).

#choosetobegood
#respect
#behonest
#huwagmagnakaw

TAPAT SIPAG TIYAGA is the Tan Family’s MOTTO.

Share

Related Posts