Paano kami magkakabalikan ng mister ko?

“Gud day po tnung ko lng po kung anung dapat gawin para magkabalikan kmi ng mister ko kc po dna cya smin nktra nsa magulang n nya plz po patulong nman my 3kidz po kmi nsa akin po”.

Dear Jean,
Hindi ko alam kung ano ang namagitan o pinag-awayan ninyong dalawa kaya s’ya umalis.
Kung bakit mas gusto pa nyang tumira sa magulang nya kesa sa piling nyong mag-iina. Wala akong maibibigay na payo kung hindi ko alam ang puno at dulo ng relasyon ninyo.
Wala kasing step 1 to 3 guide kung paano sya babalik sa’yo.
Maraming tanong tulad ng:
1. Mag-asawa ba kayo? Kasal sa simbahan?
2. Ilang taon na kayong mag-asawa?
3. Saan kayo nagka-kilala?
4. May maganda ba syang trabaho? Ikaw naman, meron ka ba ring sariling pinagkaka-kitaan?
5. May babae ba sya kaya ka nya iniwan? O merong ka bang lalaki kaya sya nag-alsa balutan?
6. Kung ang sagot sa #5 ay parehong wala, so bakit sya umalis?
7. Nagger ka ba? Lagi ba kayong nag-aaway nung mag-kasama pa kayo?
8. Masama ba ang ugali mo?
etc.

Kung paano kayo nagsimula ay may kinalaman din kung gaano katibay ang pagsasama nyo. Kung ano rin ang karakter nyong mag-asawa at pag-trato nyo sa isa’t-isa. Hindi simple ang buhay. Lalong hindi simple ang magka meron ng matatag at mabuting pagsasama ng mag-asawa. Kailangan puno ng pag-mamahal, pag-aaruga sa isa’t-isa, pang-intindi, sangkatutak na pasensya, at commitment na hindi nyo iiwan ang isa’t-isa sa hirap at ginhawa.

Related post:

Bring Husband Back

Share

Related Posts