Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Pre-departure bilin and habilin - Oh My Buhay

Pre-departure bilin and habilin

(Nalimutan ko palang ikwento ito)

We love to see other places but we are all scared to ride the plane. We consciously or subconsciously fear that something would go wrong.

The anxiety is evident when people make last minute bilin to their families, as if they are making their huling habilin.

Here are a few that I’ve actually heard from passengers when I was at the airport on April 6 while waiting for our flight to UK:
A. Dad (in a frantic call jsut before entering the tube).
1. Yung strawberry nasa refrigerator, hugasan muna bago kainin.
2. Kainin na kasi ilang araw bulok na yan.
3. Manibalang pa lang yung mangga. Huwag munang hiwain.

B. Wife, while at the last security check.
1. Hello, asan ang daddy mo? Bakit ikaw ang sumagot? I text mo ko.
2. Hello, anong ginagawa mo bakit si Jonie ang sumagot. Sino na naman ang katext mo?
3. Hello, (apparently to the maid), Si Sir ba nakabihis? Ano’ng suot?
4. Hello? Boarding na kami. Bantayan mo si sir. I report mo sa akin kung anong oras sya umuuwi. Lunes na dyan na ako. Text mo ako.

C. Dad (at the Mabuhay Lounge)
1. Magspray ka sa ipis. Magstay ka muna sa room. Pero lumabas ka.

D. Guy (at the Mabuhay Lounge)
1. Paayos mo na pustiso mo. Kailangan pagdating ko maganda na ang mga ngipin mo.

E. Guy (same guy at the lounge)
Yun nga palang titulo isinipit ko dun sa folder na kulay green. Yung green, long folder. Nasa third drawer. Hindi yan, yung nasa kuwarto, bandang kanan. Yung may sticker na DU30.

F. Suave Husband
1. Hi, we’re boarding. I love you. I am going to miss you.
2. Hi, we’re boarding soon. Take care. I’ll call you…
3. Hi, we’re almost boarding. What are you doing? I love you.
4. Hi, we’re boarding now. Love you. I will email you.

Is this fellow speaking to his wife? Mukhang hindeeeeee!!!!!

G. Husband
1. Sabi ni attorney huwag daw bayaran. Hindi nga ako mag-re-reply.
Sige bye, di ba ang dami kong message, yung mga messages ko sa kanya hindi naman ako nanunumbat. Mumurahiin ko sya. I love you boarding na.
2. Hello, matulog ka lang dyan ha habang wala ako. (ano yan sleeping beauty?)

Share

Related Posts