Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Pumiling mabuti ng bagong barangay officials - Oh My Buhay

Pumiling mabuti ng bagong Barangay officials

Eleksyon na naman pala ng mga barangay officials.

People who are jobless and who pretend to want to serve the people should not be voted into office. I think by now we Filipinos should have learned our lessons. Hindi na tayo natuto. There are many barangay officials who do nothing but bask in their own glory. Hanapin mo sa mga opisina nila, walang tao duon. Pagmay-kailangan ang mga taong bayan, parang nahihiya o natatakot lumapit kay Kapitan. Sino ba si kapitan? Boss ba sya? Di ba sya yung sinuswelduhan para ayusin ang kapaligiran at maging isang ehemplo sa kanyang nasasakupan? Hindi sya inihalal para gamitin ang pwesto na utangan ang mga bumbay. Ang mga barangay tanod at kapitan ay sinuswelduhan para ayusin ang kani-kanilang barangay, panatiliing maayos, malinis, tahimik, walang nakawan, away, patayan, droga, at para proteksyunan ang mga tao sa iba’t-ibang uri ng krimen. Dapat mag-isip sila ng mga pruyekto na ang makikinabang ay taong bayan hindi yung mga bulsa nila. Mga simpleng pruyekto na kaya nilang tuparin tulad ng paglilinis ng mga canal, ilog, kalsada. Patayin ang mikropono ng mga nagkakaraoke na sobrang lakas at lampas na sa alas dyes ng gabi. Sawayin ang mga istambay sa kalye na duon pa nag-iinuman. Maraming pwedeng maisip na magandang pruyekto na ikatutuwa ng mga tao kung tama ang pipiliin nyong mga barangay tanod at kapitan. Pumili ng tama. Kilalanin lahat ng mga kumakandidato at isulat sa papel kung anu- ano ang mga klase ng buhay nila. Kung datihan ng mga naihalal, at wala naman kayong nakitang nagawa sa bayan, huwag ng iboto dahil bigyan naman ng pagkakataon yung iba na manilbihan. Baka sakaling mas magaling, masipag, may-ulo, at tapat. Pumili ng tama. Sa mga mayor naman, kilalanin din ang mga taong isasama ninyo sa partido. Yung mga barangay na wala namang naidulot na maayos sa kanilang nasasakupan ay huwag nyo ng isama sa inyong partido. Alam nyo naman kung ano ang kalikaw ng bituka nila. Yung mga mahina ang ulo ay huwag na ring isama. Isa kabilang tabi ang pagkakaibigan ninyo, taong-bayan naman muna ang bigyan ng halaga sa pagkakataong ito.

Share

Related Posts