Sa mga Naghahanap ng Mangkukulam

From an OMB reader:
“Need mangkukulam, much better kung mambabarang. can only provide the picture of the victim. will pay 4K. 25% payment before the ritual, will pay the rest lest the results were proven effective (much better kung maging bedridden na mangyayari”.
—————————————————————————–

Hindi ko akalain na napakarami palang naghahanap ng mangkukulam. Mga galit sa asawa, sa mga kabit ng mga asawa, sa kaibigan, karibal, sa mga kalapit-bahay at kung kani-kanino pa.

Halos araw-araw merong nag me-message sa akin frantically looking for someone who could cast a bad spell on the person / people they hate. Or para kulamin yung lalaki para ma-inlove ito sa inyo.

Hindi ko na mabilang pero siguro isang-dosenang beses na pinayuhan ko kayo na huwag ng mag-aksaya ng panahon na ipakulam kung sino man ang inyo kinamumuhian. Hindi ko na nga sinasagot yung mga messages. Ilang beses ko na kasing sinabi na hindi naman yata tutoo yang kulam na yan.

Una, wala akong kilala na mangkukulam na tutoo. Yung albularyo na nakakilala ko eh manghihilot, hindi mangkukulam.

Iba’t ibang klase ang reason bakit gustong ipakulam ang asawa, nobyo, nobya, etc. Merong gusto pa masiguro daw na mababaldado yung tao.

MISTER NAMBABABAE

Sa tingin ko walang maidudulot na maganda sa ating sarili at sa ibang tao kung mananakit tayo ng kapwa. Kung ang mister mo ay nambababae, Huwag mo ng ipakulam at baka wala namang epekto yon. Sapakin mo na lang sya at upakan mo ng sampal yung kulasisi nya, tapos mag-move on ka na. Kung hindi mo kayang gawin na manampal ng tao, tsinelasin mo na lang. Hubarin mo yung sandals mo at ihampas mo ng todo sa pagmumukha nya. Tapos move on na.

Hindi sulit ang galit at abala mo para iyakan mo yung asawa mong tarantado at wala namang pagmamahal sa yo. Kung gusto nya dun sa ibang babae, dun na lang sya. Huwag mo ng ipaglaban dahil hindi naman sya karapatdapat. Kung mahal ka talaga nya at may respeto sya sayo, dapat itigil na nya iyon. Kung alam nya na nasaktan ka nya, dapat matauhan na sya at iwan na nya at layuan kung sino man yung malanding talipandas na yon. At hindi na nya uulitin pa yon. Pero kung ayaw pa rin, dalawa ang pwede mong gawin, iwan mo ang asawa mo o kung bahay mo yon, palayasin mo.

Kung hindi mo sya mapa-alis dahil sya ang may pera at ikaw ay wala, eh bahala ka sa buhay mo. Bakit hindi ka nagtrabaho simula pa nung una para meron kang sarili mong pera. Kung pera ang importante sayo, eh di lunukin mo ang kagaguhan nya at magsakripisyo ka habang buhay na meron syang ibang babae. Kung ayaw mong mahirapan dahil binibigyan ka ng pera, desisyon mo yan kung gusto mong sumandal sa kanya kahit hindi ka naman nya tunay na pinapahalagahan.

Kung merong kayo’ng mga anak, ikaw ang makakapagdesisyon kung ano ang mabuti para sa kapakanan ng mga anak ninyo. Pag-maliit pa, hindi pa sila apektado kung mawala ang tatay nila. Kung mga dalaga at binata na sila, kaya na nilang intindihan ang mga pangyayari. Kung kalagitnaan ang edad nila, kailangan magaling kang magbalanse para hindi sila maapektuhan ng paghihiwalay ninyo.

Maraming lalaki na gustong makipag-landian sa ibang babae pero wala naman silang balak iwan ang kanilang pamilya. Ang problema, hindi naman pwede yung ganun.

MISIS MAY BOYFRIEND
Meron namang isang OFW na galit na galit sa misis nya dahil yung perang pinagtrabahuan nya sa abroad ay inubos daw sa boyfriend. Naghahanap din sya ng mangkukulam para ipakulam yung lalaki at ang misis nya. Ay naku, bigyan nya ng first and last warning yung misis nya. Kung ituloy pa rin, itapon mo na mga gamit nya sa kalye at palayasin mo na lang. Huwag na huwag mo ng bibigyan ng pera. Iiwan yun nung kalaguyo nya pag wala na syang pera.

In summary:
1. Pasensya na kayo pero wala akong kilala na mangkukulam.
2. Love and infidelity — hindi kulam ang solusyon.

#choosetobegood

Share

Related Posts

5 thoughts on “Sa mga Naghahanap ng Mangkukulam

  1. Hindi pa din pala tapos ang mangkukulam queries?! Hehe..

    And the mangkukulam saga continues..

    Sana nakita nyo si Harry Potter sa UK Ms. Annie. Baka meron siya pwedeng i-refer.

    🙂 🙂 🙂

  2. Good morning!
    Totoo man o hindi still it’s cursing. Pray for those people and let God take control. Pwedeng iwan kung sinasaktan ka na, konting tiis at panalangin. Pero kung talagang wala nang paraan after praying hard….desisyon na lang nila ang mangiwan, magpalayas but never curse. Good day and God bless.

  3. Sa dami ng nakita ko na naghahanap ng mangkukulam, kadalasan eh galit sa manlolokong partner. juicekolord. 2022 na. kesa magpaloko ka ulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

twenty − 8 =