Tipid tips on how to survive the fuel crisis

The worsening fuel crisis is something we all didn’t expect and want. It is not our own doing.
The war is not our fight. It’s not our war. Pero nakaladkad tayong lahat.
We are all thrown into this. NO TO WAR!

Hindi naman kailangang tumigil ang mundo natin dahil super mahal ang gasolina. Pero kailangan natin baguhin ng konti ang ating lifestyle habang merong fuel crisis.

Here’s a few simple, practical tips on how to survive the fuel crisis resulting in high gasoline prices:

Paano makatipid sa gasoline: For those who have cars or motor vehicles:

1. Magpa full tank na lahat ng sasakyan.

2. Planuhin mabuti ang mga pupuntahan. Combine errands in one trip (isang labasan na lang) Huwang kung saan-saan pupunta na hindi kailangan. For example: Kailangan walang out of the way. Hindi pwedeng “ay may nalimutan akong tingnan sa Megamall, makabalik nga mamaya.”

3. Do not let the driver stay in the car while waiting, IDLING, using aircon.
4. Clean the air filters, check spark plugs, valve, remove excess weight. Proper tire pressure = less resistance.

5. Carpool with family or coworkers

6. Schedule “no-drive days” kung wala namang office.

Tipid kuryente
1. Pataying ang mga ilaw na wala namang mga tao sa kwarto.
2. Bawasan ang mga bukas na ilaw at aircon.
3. Palamigin lang ang kwarto tapos patayin na ang aircon.
4. Huwag magbalumbon ng kumot para hindi mainitan.
5. If the crisis deepens, compress in one bedroom. Lahat sa isang kwarto na lang para tipid sa aircon. Here at home, we occupy four bedrooms with air-conditioning. We will reduce to three, then two na lang. gradually consolidating rooms is a smart way to cut electricity costs without a drastic lifestyle shock.

Tubig
1. Bilisan ang pagpaligo.
2. Yung damit na hindi naman napawisan, oh sandali lang isinuot, isabit at pwede pang isuot ulit.
3. Yung mga daster or damit na hindi naman kailangan plantsahin, huwag ng masyadong matikuloso na kailangan eh tuwid na tuwid ang damit. Kahit gusot-gusot okay lang basta malinis lang. Me, I don’t mind wearing gusot clothes. it doesn’t bother me at all and I don’t really care what others say.
4. Huwag mag plantsa araw araw. Schedule lang isa or dalawang beses isang linggo.
5. Huwag ng mag dryer. Isampay sa arawan.
6. Nung araw, wala namang washing machine, merong batya at palu-palo. Let’s handwash our clothes if necessary.
7. One of the things my mother hated was yung mga sabon ay iniiwan lang sa tabi ng gripo at nalulusaw. Sayang ang pera.

Cooking gas.
1. Huwag kung anu ano ang niluluto. Isang ulam lang pwede na.
2. Huwag pakulo ng pakulo tapos iiwan lang.
3. Bawasan ang mga freezer at ref sa bahay. This we have to do.
4. Our kusinera now likes to cook adobong manoK araw-araw. Ang tigas na ng manok, laging over-cook.
She cooked adobong kangkong with giniling na karne last night. Hindi ko na makita yung kangkong kasi inubos nya ang gas namin para pakuluan yung kangkong, At super alat rin. Sayang ang kangkong, sayang ang toyo, sayang and gas, maha-high blood pa kaming lahat. Si Antonia nilulunod kami sa tinola, sya naman sa toyo.

Yung mga ref na walang laman, ilipat na lang ang mga laman sa ibang ref. Mag consolidate.
Kung sarili mo ang banyo, huwag magflush kada ihi, kahit every other weewee mo i-flush kasi ikaw lang naman ang tao sa banyo mo.

Iwasan ang gamit ng gamit ng cellphone, Facebook etc. Nauubos ang battery tapos mag cha charge ka na naman. Hindi libre ang kuryente.

Yung mga may EV, kayo rin kailangan planuhin ang takad. Magastos din yan sa kuryente. Etong anak ko, sobrang naabala pa dahil laging nawawala ang charge, whole day hindi magamit dahil kailangan icharge ulit. Napaka-hassle. For me, I prefer the Hybrid. At least if the electric battery discharges, hindi ako maabala, Meron akong gasoline. Planuhin lang ang lakad.

Share

Related Posts