May mga tao na anak mayaman kaya ni hindi nakaranas magtrabaho ng marangal para kumita ng pera. Simula baby sila, sagad na sa suporta ang mga magulang nila. Kaya siguro lumaki na hindi naranasan kung paano ang tunay na pagsisikap at kayod para kumita ng pera sa marangal na paraan. Hindi nila alam kung paano mag-hanap buhay. Kaya walang pakialam sa ibang tao. Hindi nila naiintindihan kung paano ang isang tao ay umasenso sa pagiging TAPAT, MASIPAG, at MATYAGA.
Kaya kahit sa matataas na paaralan mga nag-aral ay hindi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng MALASAKIT SA KAPWA.
Hindi naman lahat ng anak mayaman ay walang pakialam, malasakit, at pang-intindi sa buhay ng ibang tao, pero maraming mga bata na ganyan ngayon. Sobrang mayayabang at parang mga hindi tatamaan ng kidlat at sibat.
Ang problema nating mga magulang, dapat baguhin na natin ang ating pagpapalaki sa ating mga anak. Hayaan natin sila na magtrabaho at para maranasan nila na magpapawis, hindi lang sa gym at basketball. Dapat dalhin natin sila sa lugar kung saan ang mga mahihirap at pangkaraniwang tao ay naghahanap buhay. Dapat ipa-intindi natin sa ating mga anak kung paano mabuhay ang isang tao, pamilya, na kumakayod ng marangal, hindi sa pangungulimbat sa ibang tao. Hindi dahil sila ay nakatungtong sa mataas na posisyon. Bale wala ang pera at posisyon sa kumpanya o gubyerno kung wala silang mga modo at hindi marunong makipag-kapwa tao.
Maging magalang (respectful), maging mapagkumababa (humble), maging tapat (sincere) sa pakikitungo sa lahat ng tao, mahirap man o mayaman, mataas man ang katungkulan o isang pangkaraniwang tao.
Ang pagiging mabuting tao ay walang pinipiling lugar at okasyon.
#choosetobegood
Wise words that ring so true for me right now. Thanks for the inspiration.
Kaya naman pinapasalamatan ko ang aking mga magulang at kahit hindi kami lumaki sa yaman at luho, naging mabuti kaming tao at mamamayan na may malasakit sa ibang tao. (taking a stab of my tagalog kahit baluktot). Marunong kaming kumayod para itaguyod ang aming mga pamilya. At isa pa, kahit kami hindi sagad sa yaman, nakakatulong pa rin kami sa aming kapwa na nangangailingan ng tulong. At iyan ang modelo ni Kang Kadyo at Aling Pacing Aczon sa bayan ng Binangonan, Rizal, Timbugan Street. Halina kayo at mag-igib sa aming poso kung walang tubig sa bahay nyo.