Maraming Naghahanap ng Mangkukulam

Hindi matapos-tapos ang mga taong naghahanap ng mangkukulam. Hindi ko sila matutulungan dahil wala akong kilala na mangkukulam.

Sender: From Khat:
“Alam Kung masama ito pero disperada na ako,gusto ko silang ipakita,May kilala po ba kayo…”

Sender: From Dana
“…nasagot po kya un gusto nyo ipakulam gusto q rin po sna makatulong slamat po s sasagot kung saan pwdeng puntahan ang mangkukulam”.

Sender: From Amy
“Saan po pwedeng puntahan yung nagkukulam? Tulungan nyo po ako kasi bf ko may-ibang kinakasama. Gusto ko mabawi ang pera at celphone na ibinigay ko sa kanya.”

Sender:—From Rodney
“Ayaw gumaling ang sakit ko sa tyan. Maynagsabi sa akin baka daw ipinakulam ako nung dati kong nobya. Ano contact number nung mangkukulam?”
————————
Kahapon, kausap ko si Marie, meron akong ipina-repair sa kanya, ang tagal-tagal inabot ng ilang buwan. Kasi daw yung pina-subcon nya umuwi ng probinsya kasi nagpagamot. Ipinakulam daw sya ng babae ng mister nya. Umiihi daw sya ng parang imburnal!!!! My God.
I advised her to go St. Luke’s Hospital instead, baka cancer. Eh nagconsult na daw sa doctor and she also went to another doctor for a second opinion and the two doctors didn’t find anything wrong with her. Even the laboratory tests proved negative of any illness or disease. She went to a quack doctor (albularyo) and she was told na nakulam sya ng babae ng mister nya.
Tutoo daw kasing babaero ang mister nya pero ayaw nyang iwan kasi mahal nya.

Share

Related Posts